Jan 05
SHOWBIZ NYAHAHA – FIRST CONTRIBUTOR by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Jan 5, 2005

By Sandra Orros Co

Click ang second column ng lola nyo na Alay sa Senior Citizens. Maganda ang feedback na karamihan ay ipinasulat na lang sa kani-kanilang mga caregivers. Wala naman daw nagkaroon ng seizures o malubhang insidente. Para sa mga hindi nakabasa, check out the ARCHIVE banner ng main page. By the way, buti na lang at naagapan ang mga cases ng meningococcemia sa Baguio City. At least Manigong Bagong Taon tayo at hindi Meninggong Bagong Taon!

  • Tanong: Sinong artista ang may matalas na mga kuko?
    Sagot: Si Isabel. Kasi ang granada merong sharp nail, di ba?
    (Editor’s note: Shrapnel yun, shrapnel)
  • Hindi namin makumpirma kung totoong nabili na ni Robbie Tan ang FOTO-ME. Lalong hindi namin makumpirma kung totoong ime-merge ang FOTO-ME sa Seiko Films. Wait na lang natin ang paglabas ng FOTO-SEIKO.
  • Tanong: Bakit ayaw mag-reduce ni ZsaZsa?
    Sagot: Baka kasi tawagin siyang Zsa Zsa Parilya.
    (Editor’s Note: Parilya means ribs)
  • Sa record ng showbiz census. Si Ramon Revilla ay mahigit 80 ang naging anak. Si Lou Salvador ay mahigit 100 ang naging anak. Si Mystica ay mahigit 120 ang naging… boyfriend.
  • Tanong: Bakit ipinagpalit ni Dingdong si Tanya kay Karylle? Sagot: Mas maganda raw pakinggan ang KARYLLE MO kaysa sa TANYA MO!
  • Tanong ulit: Ano ang mangyayari kay Dingdong pag dumating si Antonette?
    Sagot ulit: Diskarylle si Dingdong.
  • Kuwentong bolabeys. Nag-location taping ang Eat Bulaga sa farther down south. Napahiwalay si Jose at si Allan K. To make the story short, na-capture ng mga rebels ang dalawa. Dahil sikat nga, natuwa sa kanila ang rebel commander. Bilang kundisyon para palayain sila, kailangan nilang magdala ng gulay sa rebel commander. And so gumala na ang mga lola para maghanap ng gulay. Unang bumalik si Jose, dala ang isang bungkos ng okra. Natatawa ang commander habang inuutusan si Jose na ipasok sa ilong niya ang okra. Siyempre sinunod ni Jose ang utos. Siyempre nasaktan si Jose. Pero nang nangangalahati na ang okra sa ilong niya ay nagulat ang commander dahil napapaluha sa pagtawa si Jose. Paglingon ng kumander ay nakita niyang dumarating si Allan K, may dalang patola!
    Editor’s Note: Igalang mo naman ang ating pambansang ilong, hehehe.
  • Tanong: Sinong bold star ang nagtatabako?
    Sagot: Si Ana Capre
  • Ano kaya at magkasama sa isang movie sina Amy Austria, Dick Israel, Chyna Hortaleza at German Moreno? Ano kaya ang magandang title? Ibang Bansa, Isang Diwa!
  • Tanong: Anong pelikula ang tiyak na hindi magpa-flop?
    Sagot: Kapag si Jay Manalo ang bida at ang director ay si Joel Lamangan.

Now, allow me to give way to our first contributor. Noon pa ito kaya lang sabi ng FAPWEB Editor we have to give way to the FPJ articles. The following old jokes were sent by a certain Anselmo D. C. ng Marilao, Bulacan. Huwag ko na raw banggitin na executive secretary siya ng dating mayor ng Marilao.

  •  Tanong: Sinong artista ang pinakamatalino?
    Sagot: Nora Honor.
  • Sa program ni Pepe Pimentel, contestant niya ang dating starlet. Ang tanong ni Pepe – ano ang karaniwang tawag sa sodium chloride? Hindi alam ng faded starlet na asin ang sagot kaya nagbigay ng clue si Pepe. Ang sodium chloride ang inilalagay mo sa itlog ng mister mo tuwing umaga. Napangiti ang starlet sabay sabing “talcum powder!”
  • Tanong: Sinong artista ang pinakamagalang?
    Sagot: Fernando Po.
  • Hindi raw totoo ang tsismis na kaya hindi pinakasalan ni Chuck Mathay ang nanay ni Ara Mina ay dahil sa pangalan nitong Sasha Rapna. Hmm?
    (With apologies to Ara Mina)
  • Tanong: Sinong artista ang pinakamahilig sa relos?
    Sagot: Max Alvarado dahil Alva na Rado pa.

Ho-hum, napaidlip pala ako. Anyway, bilang pang-alis ng umay, hehehe, eto pa ang ilang nyahaha natin na nanggaling sa baul ng aking lolo. Pero teka lang, plug muna ko ng FPJ MEMORABILIA. Yes, open na ang webpage (dito rin sa www.fapweb.org ) dedicated to Fernando Poe, Jr. Send your items to fap_web@yahoo.com for public consumption. It can be anecdotes, pics or anything about Da King na hindi pa alam ng madlang people.

  • Tanong: Bakit hindi natuloy ang pagtalon sa tulay? Nasiraan ba ng loob ang stuntman?
    Sagot: Hindi naman, ang nasira ay tiyan niya.
  •  Magkamukha pala si Kristine Hermosa at Bea Alonzo. Magkamukha rin si Willie Revillame at si Jay Manalo. Pero hindi ko sinabing magkamukha si Ethel Booba at si Ai-Ai Delas Alas.

Nakaraos na naman… sana walang magdemanda sa akin dahil kulang pa sa piyansa ang honorarium ko, huhuhu. As usual, may I apologize to the celebrities na napaglaruan namin, pang-nyahaha lang po ang lahat ng kalokohan dito. At kung napasali man kayo, the only consolation is SIKAT na kayo!!!

At sa mga may itinatagong nyahaha diyan, why not share it to the whole wide world, ha, mga Tita at Tito? Send your nyahaha to fap_web@yahoo.com with the subject nyahaha. Uy, bagong email address na yan, ha? Till then, Batuten and arrivederci, Pichi-pichi… S.O.C.