May 22
RACIAL JOKES by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, May 22, 2009

Kailan lang ay naipit si Candy Pangilinan sa isang controversy. Ito ay dahil sa kanyang guesting sa SM-Baguio City para sa Mother’s Day celebration.

Sa kanyang comedy act ay tumayo sa stage si Candy na parang estatwa. Ilang sandali ang lumipas bago siya nagsalita, “Akala niyo Igorot ako? Hindi ako Igorot, tao po ako.” That punchline was meant to be funny. Kaya lang ay parang kulang ang nasabi niya dahil nawawala ang word na Statue. Dapat daw ay “Igorot statue” ang sinabi niya dahil nakatayo nga siyang parang estatwa.

That joke caused an uproar sa mga taga-Baguio. Binaha ng negative comments ang homepage ni Candy sa Multiply.com. Kaya nag-issue siya ng public apology sa internet, “I did not mean to hurt anyone, especially our Igorot brothers and sisters. It was a careless remark and for that, I am truly sorry.”

Pero hindi lang sa internet ang atake kay Candy. Isang Sheryl Duque ang sumulat sa mga Baguio councilors na nagsasabing witness siya sa nangyari. At nang hindi kinagat ng audience ang nasabing punchline ay inulit pa raw ito ni Candy (Akala nyo Igorot ako, hindi ako Igorot, tao po ako!).

At dahil sa sulat ni Ms. Duque kaya dali-daling nag-formulate at nagpasa ng resolution ang Baguio City council, declaring Candy Pangilinan persona non grata. Authored by Councilor Fred Bagbagen, ang approved resolution ay nagsasabing hindi na welcome sa Baguio si Candy Pangilinan.

Dagdag pa ng news report mula sa Baguio, “A resolution approved by the city council said the declaration was intended to educate Ms. Pangilinan and others like her who are unmindful, insensitive, sarcastic, careless and irresponsible in issuing such offensive remarks.”

That incident is a very good example of a racial or ethnic joke na nangyari dito sa atin.

art-09may22-racial-jokes-pic-candy.jpg
Candy Pangilinan with Leo Martinez

A few days after ng Candy controversy ay si Alec Baldwin naman ang nalagay sa limelight dahil sa kanyang racial joke laban sa mga Pinay. Ayon sa Google news feature, ang nasty joke geared towards Filipinas ay binitawan ni Baldwin sa interview sa kanya ni David Letterman.

Sabi ni Baldwin kay Letterman na “I was thinking about getting a Filipina mail-order bride … or a Russian. I don’t care, I’m 51.” Sagot naman daw ni Letterman, “Get one for me, for later” at nagtawanan ang live audience.

Sabi pa ng news report, “Manila’s consul general to New York, Cecilia Rebon, had been asked to send a letter to the producers of the show and to Baldwin to express deep concern over the derogatory remark. The consulate shares the sentiments expressed by many others that although said in jest, the remarks “displayed insensitivity and tactlessness.”

May nagkarga ng video clip sa Youtube kaya lalong uminit ang issue. As expected, maraming nakisakay with their battlecry na “itayo ang dangal ng mga Pilipina.” Isa na si Senator Loren Legarda. Sabi niya, “Incidents of mockery against our race happen again and again. Again and again we must not fail in our strong condemnation and resounding assertion of our dignity. “Let us make it clear to the world: Filipino women are not for sale. Not even for sale to Hollywood actors.”

Siguro ay dapat nating malaman na ang mga Pinay at Russians ang nangunguna sa paramihan sa internet ng mga advertisements about mail order bride, marriage match at kung anu-ano pang pangalan na ang ibig sabihin lang ay naghahanap ng foreigner na asawa. Sa madaling salita ay mail order bride na nga.

It can be remembered that in the American soap Desperate Housewives ay may joke doon tungkol sa low quality education ng ating mga doctors. Recently din ay naging controversial ang statement ni Chip Tsao, isang respected Hongkong magazine columnist, na ang Pilipinas daw ay nation of servants.

Presumably ay umalma ang mga Pilipino sa nasabing incidents. Nagpalabas naman ng apology ang producers ng Desperate Housewives at si Chip Tsao ay nag-apologize sa mismong consulate ng Pilipinas sa Hongkong.

On a neutral perspective, hindi ba’t totoo namang maraming Pinay ang gustong makapag-asawa ng foreigner? Siguro dahil sa pera at para na rin ma-improve ang hitsura o lahi. Totoo rin namang mababa ang quality of education ng ating mga doctors dahil bukod sa nagkalat ang fake diploma (at certificates) sa Recto Ave. ay may mga insidente ng exam leakage at dayaan. Kahit sa bata mo itanong ay alam nilang ang DH ay Domestic Helper o katulong o maid sa Hongkong.

Kung ganun, ano ang dapat na ipagputok ng ating butse sa mga slur against our nation and countrymen? Kung grandstanding yan sa English, sa Tagalog naman ay nakikisakay o nakikisawsaw ang tawag dyan. Mas maganda yatang ayusin muna natin ang ating bakuran bago tayo magalit sa pagpuna ng ating kapitbahay.

Sa kaso naman ni Candy, kapag tiningnan din sa neutral perspective ay malinaw na walang masama sa kanyang joke. Una, may kasabihan na “hindi ka na mabiro” to mean na it’s just a joke and nothing more. Pero kahit malinis na joke ay puwedeng bigyan ng masamang kahulugan.

Ang Baguio City council resolution against Candy Pangilinan ay aabot daw sa MTRCB (Movies and Television Review and Classification Board), ABS-CBN, KAPPT (Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino) at pati na rin ang SM-Baguio. May mga suggestions pa nga na dapat daw i-boycott ang mga shows at movies ni Candy Pangilinan. Naiisip ko tuloy na ganun sigurong kalupit ang mga Igorot pag nasaling ang kanilang pride.

But before we wield the sword, let us again look at things on a neutral perspective. Eh ano nga ba ang pagkakakilala natin sa mga Igorot? Hindi ba’t image nila yung mga estatwang ibinebenta sa palengke, sa Mines View at sa Botanical Garden? Hindi ba’t Igorot statue yung nasa loob ng bariles na kapag inangat mo yung bariles ay lalabas ang kanyang sex organ? At pati yung bahay nilang pagkaliit-liit na iisa ang haligi ay nasa figurine din?

Authentic na Igorot ang mga nakatayo sa harap ng Botanical Garden na puwede mong isama sa pictorial mo provided na bayaran mo sila. Hindi ba’t parang pagbebenta ng dangal ang ginagawa nila dahil sila mismo ang sumisira sa kanilang image? At pag iba ang sumaling sa kanilang image ay nagagalit sila at hahantong pa sa husgado ang kaso?

Mahirap isipin na pagdating ng araw ay matatakot na ang mga comedians natin na magbiro tungkol sa mga ethnic at races (lahi). Kasama na rin sigurong katatakutan ang pagbibiro tungkol sa religion, hanapbuhay at sa iba pang sector ng society gaya ng bata, babae, squatters at pati mga bakla na puwedeng magra-rally laban sa iyo ang mga pederasyon nila.

Baka nga pagdating ng araw ay malaos na rin ang mga comedians at magkaroon tayo ng daigdig ng mga seryosong tao na walang gagawin sa buhay kundi ang magtrabaho. At kapag nagkaganoon ay baka maging masaya na nga tayo sa malungkot na mundo.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/