Jan 05
EXPLOSIVE – 2004 ATBP by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Jan 5, 2005

By Tess Clarin

Maaksyon ang nakaraang taon sa entertainment. Maraming relasyon ang nakalas, maraming friendship ang namuraot, maraming artista ang nagkasakit o naaksidente, maraming celebrities ang namaalam at lalong nangonti ang mga local movies. Bagong Taon ay magbagong buhay para magbagong kapalaran. Let’s cross our fingers.

—————————

Successful ang bonggang 2004 Metro Manila Film Festival sa kabila ng mga issues. May rule kasi na one and only film per production ang puwedeng mapili sa screening. After all that’s said and done ay 4 entries pa rin ni Mother Lily ang nakasali. “Liit kita pag tingi kaya akyen pakyaw!”

—————————

Laglag sa box office ang Panaghoy Sa Suba. Marami ang nanghihinayang dahil maganda raw ang story at may saysay. Kasi naman Bisaya ang dialogue kaya hindi maa-appreciate ng mga Tagalog, Ilocano, Bicolano, atbp. “Ano naman ang imong ibidinsya?”

—————————

Still in MMFF, ang sama ng timing ng pagpapakasal ni Kristine Hermosa at Diether Ocampo. Nawala tuloy ang kilig sa pairing ni Kristine at Vic Sotto sa Enteng Kabisote. Nevertheless, si Enteng pa rin ang namayani sa takilya. More than 35M daw ang kinita nito in just 3 days of showing. As of the latest ay umabot na sa 62M ang gross in five days of showing. Hindi lang pala sa babae may magic si Enteng!

—————————

Nakakabilib din ang pagka-bratty babe nitong si Osang. Biruin nyo ba namang makipag-demandahan pa kay Vicki Belo at magkipaghiwalay ng landas sa long-time manager niyang si Lolit Solis. Ayun, na-tsugi tuloy siya sa nag-iisang TV program niya. Noon, hindi raw preggy ang anak niya. Ngayon, excited siya sa paglabas ng apo niya. But in fairness, yan ang trademark ni Osang, matatag ang loob… kahit Malaysia (she lied). Sabi nga ng mga Indians, “White men speak with forked tongues!”

—————————

Pero sumobra yata ang pagka-bratty ni Osang. ibinandera pa niya ang everything and everything sa personal life niya. Pati ang ipina-abort niya, sabihin ba namang hindi raw ang jowa niyang si Tito Molina ang tatay? Uhum, isang director daw. O, from the forked tongue yan, ha? At matapos tsugiin ang jowa niya eh pati mga naging leading men niya ay gusto pa yatang… Naku, oo, wala namang laglagan!

—————————

Following the footsteps of Osang, nag-file ng demanda si Aleck Bovick sa dati niyang manager na nagkataong dati rin pala niyang boyfriend. Ang kaso: abuse. Unauthorized withdrawal of money at may binanggit pang forced orgy. Tapos idinawit pa ang pangalan ng mortal enemy niya. Hindi naman sa kaso kundi sa orgy. Pero hindi naman daw pumayag si Katherine Luna sa nasabing orgy. Teka, akala ko ba forced orgy? Sa pagka-bratty babe ni Aleck, baka akala niya makaka-get siya ng attention. KSP nga, kulang sa pukpok (sa ulo).

—————————-

On the brighter side, naayos na ang problema ni Phillip Salvador sa dati niyang ka-live in na naniningil ng utang. Take note, lumabas ang issue ng utang nang lumabas sa limelight si Phillip na may ibang kasamang babae! For Cristina Decena: Hell hath no fury than a woman scorned, sabi nga ni… hindi naman si Jose Rizal, di ba?

—————————-

Cute ang balita na magkasama si Martin at Pops nitong holiday season sa US pati na ang 2 anak nilang si Ram at Robin. Nakakakilig din na magkasama sa abroad si Regine Tolentino at estranged husband na si Lander Vera Perez. At magra-rendezvous pa sila ng mother ni Regine. How sweet naman!

—————————-

May upcoming regular noontime show si Willie Revillame sa ABS-CBN. Teka, ilang beses na bang nag-in and out si Willie sa ABS? Kung sabagay, mahilig si Willie sa in and out… sa mga shows!

—————————–

Kaakibat ng Bagong Taon ang mga kalokohang hula lalo na sa showbiz. Nakakapagtaka lang dahil noong nakaraang eleksyon ay hati ang mga manghuhula sa prediction kung mananalo si FPJ. Lumilitaw na fifty-fifty ang chances, di ba? Kung genuine ang kanilang panghuhula, aba, bakit hindi nila hulaan kung anong numero ang lalabas sa lotto? Tiyak ang sagot nila, sugal daw kaya hindi puwede. Ows? Kaya eto na naman ang mga madidisgrasya, ang mga mamamatay, atbp.

At isang writer daw ang… O, sige, ako ang manghuhula sa inyo. May mamamatay na isang writer… arrrrgh!