May 15
PARADOX 2 –RAMA VS. PEP by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, May 15, 2009

Meron na namang bagong kasong pagkaka-abalahan si Annabelle Rama bukod pa sa kasong hinaharap niya laban kay Wilma Galvante, ang SVP (Senior Vice President) ng GMA-7.

Isang reklamo ng “cease-and-desist” letter ang isinampa ni Annabelle Rama laban sa website na PEP (www.pep.ph). Addressed to Joan Maglipon, the Editor in Chief ng PEP, ang sulat ay humihiling na ihinto ng PEP sa pag-publish sa kanilang website ng anumang article, comments o items patungkol kay Richard Gutierrez.

Ang gusot ay umusbong mula sa pagkaka-published ng isang article sa PEP about Richard. Sabi ng article, sa birthday celebration ni Director Mark Reyes held last month ay nagkaroon daw ng misunderstanding si Richard at Michael Flores. Nagsigawan ang dalawa at ayon pa sa article ay may baril si Richard Gutierrez.

Sa pagre-react ni Richard ay agad namang inalis (delete) ang controversial article sa PEP website. Ayon sa isang interview kay Ruffa, may namagitang personal na usapan kina Annabelle at Joan Maglipon dahil magkaibigan naman ang dalawa. Malinaw na pinagbigyan ng PEP ang request ni Annabelle na alisin ang derogatory article pero hindi lang yun ang gusto ng mga Gutierrez.

Dahil hindi dumating ang hinihintay ni Richard na apology o erratum – ang pagsasabing hindi totoo ang laman ng nasabing article – kaya humantong ang lahat sa pag-file ng kasong libel. “False journalism” ang tawag ni Richard sa mga ganung klaseng article, mapanira pero hindi naman totoo. Marami raw artistang nagiging victim ng mga fake articles pero siya ay hindi papayag na walang formal public apology to say na hindi talaga totoo ang nasa article.

To strengthen his case, Richard presented three witnesses para sa P25-million libel suit na isinampa niya. Una ay si Mark Reyes, ang nag-birthday na director. Sabi ni Direk Mark na wala namang ganung insidente during his birthday’s celebration. Nagtataka nga ang celebrant kung saan nanggaling ang malisyosong kwento ng gun toting.

Pangalawang witness ay si Michael Flores, ang mismong taong nakagalit daw ni Richard. Nilinaw ni Michael na hindi sila nagkabanggaan ni Richard. In fact, sinabi pa ni Michael na bata pa si Richard, meaning hindi niya ka-level para magkaroon ng chance na magkasagutan sila.

Another personality was Bubbles Paraiso, isang ramp model at aspiring actress. Nag-witness din siya to deny the allegations in the PEP article. Kasama raw niya si Richard buong gabi dahil sabay silang dumating at sabay din silang umalis sa party. Si Bubbles ay naging witness din sa issue ng pag-aaway ni Richard Gutierrez at Aljur Abrenica sa isang bar. Si Aljur ay another prized GMA-7 talent.

Pati si Ms. Annette Gozon-Abrogar, top executive ng GMA-7, ay nagsalita na rin. Since present sa party si Ms. Abrogar kaya siguro may karapatan siyang magsalita. Sinabi niyang walang ganung incident involving Richard and Michael at very wholesome daw ang party ni Mark Reyes.

At dahil nga sa hindi pag-retract ng PEP ay nag-file ng demanda si Richard versus the number one entertainment website. Suportado si Richard ng kanyang pamilya at ilang kaibigan na sumama sa pag-file niya ng kaso sa Makati City Regional Trial Court. Dahil sa mapanirang article ay total na P25 million ang hinihingi ni Richard na damages – P15 million para sa moral damages at P10 million para naman sa exemplary damages.

The story about Richard’s filing of the libel case against the PEP article ay na-published din sa PEP website. And within 24 hours ay more than 600 comments ang naka-post as feedback from the reading public.

Ito ang ikina-init ng ulo ni Annabelle kaya siya naging ballistic. Paano raw nangyari na wala pang isang araw ang nakalipas ay ganung karami (600) na ang comments? At bakit ang majority pa ng public reaction ay negative and against Richard? Hindi man direktang sinabi pero ang tinutukoy ni Annabelle ay obvious na staged ang mga anonymous comments para palabasing against kay Richard ang public opinion.

Karamihan ng mga malalaking websites ay may espasyo para sa feedback. May membership ang PEP katulad ng sa Philippine Star at sa sister publication na Pilipino Star. Ang feedback o comments ng readers ay free expression daw kaya these websites allow the posting of such.

At dahil ang membership sa mga ganitong websites ay hindi naman puwedeng ma-verify dahil sa prevailing internet system kaya hindi rin naman masasabing puro totoo ang mga comments. Although mahirap gawin pero posible rin ang allegation na puwedeng isang tao lang ang nag-post ng lahat ng mapanirang comments.

And because of this ay nag-file na nga ng “cease-and-desist” si Annabelle upang harangin ang PEP sa kung anumang negative publicity na puwede nitong ibigay kay Richard. Malinaw naman na isang ina ang nagtatanggol sa kanyang anak kaya ganun ang reaction ni Annabelle sa pangyayari.

Sa depensa naman ng PEP, tahasang pagyurak daw ito sa freedom of expression. At ang sinasabing “gun toting” ay hindi panunutok kundi pagdadala lang ng baril. In other words, hindi naman daw deretsahang sinabi ng PEP na nanutok ng baril si Richard.

Ang PEP ang number 1 local entertainment website. Ang editor na si Joan Maglipon ay isang veteran pagdating sa mga libel cases. It can be remembered na si Ms. Maglipon ay kinasuhan ni Claudine Barretto noong araw dahil sa walang pahintulot na pag-published sa litrato ni Sabina during the Christening ng adopted daughter ni Claudine.

On the other hand, si Annabelle Rama ay isang veteran din pagdating sa libel cases dahil may isa na siyang libel case na naipanalo. Iyun ang P1 million damage na ipinataw ng korte kay Cristy Fermin dahil sa article ni Ms. Fermin na nagsasabing umuwi si Annabelle at ang family niya from the US para takbuhan ang mga pagkakautang doon.

Another paradox ito. Isang hindi mapigil na talent manager na sasalpok sa isang hindi matinag na Editor. Since they are both veterans in the art of war kaya walang itulak kabigin kung sino ang aatras at kung sino ang magwawagi in the end.

Pero sa aming nakikita ay hindi magpo-prosper ang mga kaso at matatapos ito sa amicable settlement. After all, they need each other, di ba?

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/