May 06
PARADOX—RAMA VS. GALVANTE by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Wed, May 6, 2009

Dumadagundong na naman ang pangalan ni Annabelle Rama sa apat na sulok ng entertainment world dahil sa pakikibag-banggaan niya kay Wilma Galvante, Senior Vice President (SVP) ng GMA-7. It is ironic dahil top-bracket talent ng GMA-7 ang anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez. In fact, kauumpisa pa lang ang airing ng Zorro, ang high-rating soap ni Richard.

Dahil may mga nagsasabing gimmick lang ito para umugong nang husto ang Zorro kaya umabot na nga sa husgado ang labanan. Sa latest news ay nagsampa na ng demanda si Ms. Galvante laban kay Annabelle (April 24).

Ang puno’t dulo ng issue ay ang paglagay kay JC De Vera bilang supporting kay Marvin Agustin sa Obra, isang upcoming afternoon soap. Sabi nga ng mga palabiro, hindi umOBRA ang gusto ni Ms. Galvante dahil pumalag agad si Annabelle. Si Ms. Galvante kasi ang overall in-charge sa production at siya ang may final say sa casting. Clearly ay si Ms. Galvante ang nag-desisyon ng bagay na iyun.

Bilang manager ni JC, ang katuwiran ni Annabelle ay naging bida na raw ang kanyang talent sa La Lola, opposite Rhian Ramos, so why the need to relegate JC to supporting role? At dahil si Annabelle ang may say sa career ni JC kaya tinanggihan niya ang nasabing role. Ayaw niyang masira ang career ng kanyang talent dahil sa supporting role na iyun.

Pero nilinaw naman ni Annabelle na walang kinalaman si Marvin Agustin sa issue. Kahit sino raw ang bida (kahit hindi si Marvin) ay hindi pa rin niya talaga tatanggapin ang supporting role para kay JC.

Pati si Richard Gutierrez ay isinasangkot sa issue kaya nilinaw ni Annabelle na wala ring kinalaman ang kanyang anak dahil puro trabaho lang daw ang inaasikaso ni Richard at never nakisali sa mga away ni Annabelle. In fairness sa family ni Annabelle, kahit anong gulo ang kasangkutan niya ay walang kumikibo sa kanyang mga anak.

Ang situation ay lumala when some GMA-7 executives officially informed JC De Vera about the role that Annabelle had refused. Obviously ay hindi alam ni JC ang pagtanggi ng manager dahil napaiyak daw ang young actor sa balita. At para huwag ma-iskandalo sa conference room kaya dinala ng mga GMA-7 executives si JC sa office ni Ms. Galvante, ang kanilang boss.

Allegedly, sa nasabing one-on-one ni Ms. Galvante at JC ay sari-saring paninira ang sinabi ni Ms. Galvante laban kay Annabelle. In other words ay parang gustong paalisin ni Ms. Galvante si JC sa poder ni Annabelle. Yan ang version ni Annabelle sa mga interviews sa kanya ng reporters. At para ipakitang hindi siya nagbibiro o nananakot lamang kaya nagsampa ng kasong grave slander si Annabelle laban kay Ms. Galvante. Ang kaso ay centered sa issue na siniraan ni Ms. Galvante si Annabelle kay JC. Making matters worse ay tumayong testigo si JC bilang suporta sa kanyang manager na si Annabelle.

For her part naman ay humiling ng TRO si Ms. Galvante dahil masyado na raw siyang hina-harrass ni Annabelle sa text. Sa P7-million damages na hinihingi ni Ms. Galvante kay Annabelle ay todo suporta ang mga GMA-7 talents na sina Dennis Trillo, Marian Rivera at iba pa. Andun rin ang top brass ng production gaya ni Marivin Tigno Arayata, Ida Henares, Bang Arespacochaga at iba pa. May mga media rin na nagbigay ng suporta sa SVP ng GMA-7.

Ang kakaiba sa kasong ito ay ang paggamit ng ebidensya sa mga text messages ni Annabelle kay Ms. Galvante pati na ang mga articles sa dyaryo at internet (particularly sa www.pep.ph). Plain harrassment daw ang mga “bad words” na sinasabi ni Annabelle kay Ms. Galvante. Kaya pati mga reporters na involved sa issue ay ipinatawag ng fiscal upang magpatunay sa mga maaanghang na salitang binitawan ni Annabelle sa interview nila (ng reporters). About the threats, hindi masabi kung pananakot o pagbabanta.

Puro “blatant lies” daw ang mga masasamang sinabi ni Annabelle at dahil sa pagkasira ng honor and dignity ni Ms. Galvante na 30 years (sa GMA-7) niyang iningatan kaya dapat magbayad ng damages si Annabelle. Ang demanda ay isang civil case, ang tuwirang paghingi ng damages at walang crime involved, kaya hindi naman makukulong ang kinakasuhan.

Ang TPO naman ay upang bigyang protection si Ms. Galvante laban sa so-called “violent streak” ni Annabelle. Dapat lang daw iwasan ang encounter nila dahil baka maging physical si Annabelle at makasakit ito. Ang hinihiling na Restraining Order ay upang hindi makalapit si Annabelle at least 50 meters from Ms.Galvante.

Nag-submit na rin ng counter-affidavit ang kampo ni Annabelle upang ipagtanggol ang sarili. Thru her lawyer, todo deny naman si Annabelle syempre.

For Annabelle’s controversial repartee, balak daw niyang mag-organize ng isang rally para pilitin na mag-resign si Wilma Galvante sa GMA-7. Ang mga mabibigat na salita ni Annabelle ay may kasamang “gahaman sa pera” at “suwapang sa pera.” Ginawa niya ang announcement sa radio program ni Ogie Diaz sa DWIZ.

Dagdag pa ni Annabelle na si Ms. Galvante ang pasimuno sa paninira sa mga talents ni Annabelle. Nakakapagtaka nga raw dahil top raters ang mga shows ng talents niya pero pilit na pinababagsak ni Ms. Galvante. Earlier ay sinabi ni Annabelle na moonlighting as talent manager si Ms. Galvante, i.e., si Ms. Galvante ang namimili ng casting kaya nakalalamang ang talents kung hawak siya ni Ms. Galvante.

And to blow up the issue, gagamitin daw ni Annabelle ang kanyang pagiging Bisaya, something like rally iyun ng mga Bisaya laban kay Ms. Galvante. At binigyan niya ng bagong title ang katunggali—Devil Woman. Bukod dito ay tinawag pa niyang “Satanas” si Ms. Galvante.

May binanggit pang gifts si Annabelle. Halos inamin na raw ni Ms. Galvante na natanggap nito ang padalang regalo ni Annabelle. Peace offering daw yun noong time na hindi pa umaabot sa korte ang kaso. Pero bakit pinaabot pa sa korte?

Alam naman ng lahat na daig pa ng character ni Annabelle si Gabriela Silang.
At ang emotional outbursts ni Annabelle ay talagang nakakainis kung papatulan. Pero malinaw namang nang-iinis lang si Annabelle and nothing serious on her part. On the other hand, siguro ay talagang nasaktan ang kalaban ni Annabelle hence the damage suit.

As of late ay cancelled na ang planned rally ni Annabelle. Siguro ay nakinig din siya sa payo ng mga cooler heads. Bakit nga naman kailangang maging grabe ang situation kung puwede namang mapag-usapan nang maayos?

Ang nangyayari ngayon ay hurling of charges and countercharges on and from both sides. Harrassment ang paratang ni Annabelle sa pananakot ni Ms.Galvante kay JC De Vera at harrassment din ang paratang ni Ms. Galvante sa mga pananakot ni Annabelle. A clear case of irony na kaabang-abang ang twist na kasunod.

Seriously, the situation is very much like Zeno’s paradox where an irresistible force is colliding with an immovable object. Ano ang mangyayari? Wala siguro dahil sooner or later both forces will cease and desist for their own peace of mind and for the pursuance of their businesses. As they say, ganyan talaga ang showbiz.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/