Apr 15
OLD TV ADS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Wed, Apr 15, 2009

Kasabay sa pag-unlad ng Philippine television ang pagdami ng mga advertising agencies. Ang mga sponsors ang nagbibigay ng revenue sa mga tv stations kaya hindi maiiwasan ang commercial sa mga tv programs. Narito ang ilang historical tv commercials.

Walang dudang sabon na panlabang Tide ang kinakanta ng babaeng matinis ang boses, “Puputi ang damit, kahit hindi ikula.” Ang isa sa pinakaunang TV commercial ng Tide ay yung may isang babaeng pumipigil sa pagkukula ng isang labandera. “Hintay! Hindi na kailangang magkula!”

Hindi naman nagpatalo ang Mr. Clean at si Nova Villa pa mismo ang kumanta, “Labadami, labango…” Hindi rin nagpahuli ang Ajax dahil pinapelan ni Lorli Villanueva si Maxima Labandera na may subo pang tabako.

Pero ang classic pagdating sa sabong panlaba ay ang Anthony at Cleopatra version ng Superwheel. Mahirap makalimutan si Elizabeth Ramsey bilang Cleopatra sa kanyang dialogue na “Magapatuka na lang ako sa ahas.” Para sa gustong mag-reminisce, eto ang link:

www.youtube.com/watch?v=U2KG7gFRsAU

Isang series naman ang pamilya mahangin commercials ni Rod Navarro. “Huwag mo kong paandaran,” ang popular na linya niya. May couple na magandang babae at unano ang lalake na binigyan ni Rod ng electric fan “Para sa iyong anak.” Humirit ang unano na hindi daw siya anak dahil siya nga naman ang asawa. Bumwelta tuloy si Rod, “Este, para sa inyong magiging anak.”

Ang classic sa electric fan commercials ni Rod ay nang mag-ala Magellan siya. Para makapahinga ang mga oarsmen ng galleon ay electric fan ang ginamit upang maitulak ng hangin ang kanilang sinasakyan. At dahil sa lakas ng electric fan kaya lumagpas tuloy sa isla ang galleon nila.

Naging matindi rin ang dating ng spiel ni Pugo na “das a lasa nansens.” Hindi makalimutan ang linya na yun pero kokonti na lang ang nakakaalala na iyun ay commercial ng Winner refrigerators. Para sa interesadong makitang muli ang nasabing commercial, eto ang link:

http://www.youtube.com/watch?v=BK93KRpyotQ

Speaking of appliances, long running din ang Electrolux commercial. “I’m gonna knock on your door, ring on your bell, tap on your windows too.” Yan ang kanta ng salesman ng Electrolux appliances. Sila ang nagpauso na ilako ang mga appliances particularly ang vacuum cleaner na napakamahal. In fairness, maraming Pilipino ang nabigyan ng trabaho ng Euroclean.

Ang isang artistang laging ipinaaalala ng tv commercial ay si Carlos Padilla, Jr. May hindi nakakaalam na siya ang tatay ni Zsa Zsa Padilla dahil matagal nang base sa US si Carlos Padilla, Jr. Pero alam ng lahat ang kanyang spiel na “Hindi lang pampamilya, pang-sports pa!” Until now ay ginagamit pa rin ang Family Rubbing Alcohol commercial na yun. Eto ang link:

http://www.youtube.com/watch?v=iQuTPEYg2ow

Ang isa pang napakaluma pero ginagamit pa ring commercial ay ang Dragon Katol (mosquito coil repellent). Isang romantic na eksena ng American cowboy at blond na kapareha. Masisira ang romance dahil sa kagat ng mga lamok. Ang kanyang dialogue pagkalipol ng mga lamok ay “dragown katowl. pag umusowk, lamowk sigowradong teypowk.”

Pero mas luma ang Alaska commercial kung saan naglalaro ng basketball si Cisco Oliver, isang American import ng MICAA (Manila Inter-Commercial Athletic Association) kalaban si Michael Uytengsu. Paslit pa si Michael sa commercial na yun. Sa ngayon, si Michael na ang presidente ng Alaska Milk Corporation.

Speaking of milk, hindi man sumikat pero matatawag ding classic ang Milkmaid commercial ni Niño Muhlach. Child star pa siya that time at ang commercial ay may background spiel na “grow tall, little man.” Marami ang nagbibiro na nalugi ang Milkmaid dahil hindi naman lumaki si Niño.

Hindi man artista ay sumikat din nang husto si Estong. Siya ang nagwawalis sa commercial ng isang banko kung saan merong dialogue na “Ibalik ang suwerti.” Ang popular line na yun ay ginawang movie ni Maryo J. Delos Reyes noong 1981. Isang comedy starring Nora Aunor, Chichay, Ike Lozada, German Morena, atbp.

Malaking tulong sa political ambitions ni Orly Mercado ang Pepsodent commercial niya. Simpleng tanong sa isang matandang babae kung ano ang masasabi sa toothpaste. Ang isinagot ay “lasang bebelgam.”

Maraming “young woman” commercials gaya ng mga tv ads ni Judy Ann Santos at Sarah Geronimo. Pero noong araw ay napaka-cute ni Carmina Villaruel sa Newtex commercial. Nagdadalaga ang tema ng nasabing commercial at si Carmina, na nag-aaral magmaneho, ay isang image model ng young Filipina na gumagamit ng Newtex.

At syempre hindi puwedeng makalimutan ang classic of them all. Ang San Miguel Beer commercial ni Bert “Tawa” Marcelo sa kanyang patented “Mag-beer muna tayo” complete with his Bulacan accent. At ang most blockbuster and star-studded beer ad ay yung magkakasama si Bert Marcelo, Rico Puno, Flash Elorde, Amang Parica at Jockey Eduardo. Ito yung puro masasarap ang iniisip na pulutan ng lahat pero nagulat sila nang umorder si Flash Elorde ng isang platitong mani.

Si Bert Tawa ay isang sikat na comedian at host habang si Flash Elorde ay retired boxing champion. Star Jockey naman si Jockey Eduardo Domingo at si Jose Amang Parica ang top billiard player at that time. Si Rico Puno ay isang sikat na singer. Para sa mga nostalgic readers natin, eto ang link ng kanilang tv ad:

www.youtube.com/watch?v=J-PnNCgP1BQ

Mga pahabol: Si Bert Marcelo ay namatay sa stroke noong 1995, matapos siyang matalo sa gubernatorial election sa Bulacan. Si Flash Elorde naman ay iginupo ng lung cancer noong January 1985. Until now ay kumakanta pa rin si Rico Puno, ang tinaguriang Total Performer at kailan lang ay nag-concert pa siya sa abroad kasama si Hajji Alejandro at Rey Valera. Based sa US, si Amang Parica ay competitive pa rin sa billiards although hindi na siya naging champion muli. Si Jockey Eduardo ay active pa rin sa karera ng kabayo bilang commissioner ng Philippine Racing Commission.

Note: For a related article TV ADS, click http://filmacademyphil.org/?p=1306
Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/