Oct 27
22nd FAP AWARDS HIGHLIGHTS and SIDELIGHTS by fapweb  |  Posted in Articles  |  on Wed, Oct 27, 2004

Gathered by the FAPWEB Media Bureau

Sa entrance ng red carpet ay umaalingawngaw ang boses ni Boy Abunda para salubungin ang mga artistang sakay ng hindi mabilang na BMW, Mercedes Benz at Jaguar. Nagkagulo ang mga fans sa pagdating ng mga hosts na sina Pops Fernandez at Ogie Alcasid. Mas umingay nang tumuntong sa red carpet si Regine Velasquez, Judy Ann Santos, Martin Nievera, Maui Taylor.

Sa lobby ng CCP ay bumabaha ang finger foods at drinks. Panay ang flash ng mga camera lalo na sa lugar ng mga young stars na kumikinang sa kanilang formal na kasuotan. Outstanding ang presence ni Paolo Contis, Dingdong Dantes at Karylle. Siyempre nakatuon ang mga mata sa mga Starstruck idols na sina Rainier Castillo at Mark Herras. Napansin namin na magkamukha si Angel Locsin at si Glaiza De Castro.

Very robust pa rin si Eddie Garcia at beauty pa rin si Miss Boots Anson-Roa. Nanghihinayang nga kami at hindi siya nakasamang tinawag sa stage para parangalan ang mga showbiz senators na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Lito Lapid (represented by his son). Lovely couple at very accommodating sa camera si Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Namangha kami sa pagdating ng pamilya ni Albert Martinez. Mulach na Mulach ang mga anak nila ni Liezl. Dumating din ang mag-asawang William Martinez at Yayo Aguila.

Nahuli ng camera namin si Bella Flores na enjoy sa pakikipag-tsikahan pati si Mystika na nagpa-close up shot pa. Low profile lang sina Yul Servo, Gardo Versoza, Raymond Bagatsing, Allan Paule, Lloyd Samartino, Gina Alajar, Cherri Pie Picache at Cherie Gil.

Panay ang lakad ni Joyce Jimenez sa kanyang Santacruzan attire. Ang mga beauties ng gabi ay sina Ara Mina, Jean Garcia, Iza Calzado, Angelou De Leon, Gretchen Barretto, Vina Morales, Jennifer Sevilla. Hindi nakawala sa paningin namin si Marissa Delgado at Marissa Del Mar. Very elegant sa kanilang kasuotan si Assunta De Rossi-Ledesma, Candy Pangilinan, Mylene Dizon at Maricel Laxa.

For nostalgic effect, pinagmasdan namin ang karikitan ni Luz Valdez, Delia Razon at Pilar Pilapil. Pumayat si Romy Diaz pero mataba naman si German Moreno at si Phillip Salvador. Kapansin-pansin si Victor Neri pero kami lang yata ang nakapansin kay Vincent Daffalong na nasa sulok.

Eksaktong 5:00 pm ang umpisa ng awarding ceremonies ngunit umiral pa rin ang pagiging makabayan natin kaya halos 6:00 na yata nasimulan. Napakahusay mag-host ni Ogie at ni Pops, mas click pa ang adlib nila kaysa sa nakasulat sa idiot board. Enjoy ang audience sa mga hirit nila tuwing commercial breaks.

Makabagbag-damdamin ang awarding para sa Lifetime Achievement. Si Senator Bong ang presentor at si Senator Jinggoy naman ang nag-proxy kay Augusto Buenaventura para tanggapin ang award. Napakaganda ring tingnan na si Eddie Garcia ang nagbigay ng award para sa Best Director na pinanalunan ni Maryo J. Delos Reyes. Pero disappointed kami dahil hindi kumanta si Gary V. Presentor lang siya para sa Best Sound na pinagwagian ni Albert Idioma.

Lahat ng nominated films para sa Best Picture ay may production number. Pawang adaptation sa story nila at ang gumanap ay mga taga-teatro. Animo sketches ng stage play ang presentation lalo na ang Magnifico kung saan nakabitin na parang anghel ang batang lalake. Napansin namin ang babaeng nag-ballet para sa Babae Sa Breakwater ay parang galing nga sa breakwater. Ballet din ang sa Crying Ladies. Ang Filipinas ay napakaraming performers tulad ng nasabing pelikula pero justified, wika nga. Ang number ng Mano Po 2 ay justified din ang dami ng performers.

Hindi magkamayaw ang fans sa gallery nang pinupunit na ni Eddie Gutierrez ang envelope para sa Best Actress award. Napatingin si Eddie at napatango si Cherie Gil kaya lalong lumakas ang sigawan ng mga fans ni Maricel Soriano na siyang nagkamit ng nasabing award.

Saludo kami sa husay ni Gerard Salonga, kontrolado niya ang live orchestra na mahigit 60 yata. Marami ang nagsasabing si Gerard ang dahilan kung bakit naging matagumpay ang 22nd Film Academy Awards.