Mar 18
NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIM by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Wed, Mar 18, 2009

(Note: This is a follow-up of a previous article entitled TV ADS.—ed)

“Liver lover, boy!” Yan ang sabi ng spiel ni Robin Padilla sa kanyang pag-endorso ng isang food supplement na pampalakas daw ng atay. Meron pang isang product endorsement si Robin na pampalakas naman ng baga o lungs.

Si Charlene Gonzales, dating Miss Philippines at asawa ni Aga Muhlach, ay may commercial din na food supplement. Mabisa raw sa blood circulation kaya lalakas at sisigla bukod sa magiging hitsurang bata ang iinom nito. Sabi nga ni Charlene ay ginagawa niyang parang tubig ang nasabing food supplement.

Lalo na sa mga slimming pills o mga produktong pampapayat, malakas ang hatak sa mga buyers kapag maganda at sexy ang model gaya ni Valerie Concepcion. Sa mga pampaganda ng kutis ay dapat na makinis ang endorser gaya ni Amy Perez. Kamukha ng ini-endorse ni Judy Ann Santos na isang slimming product that also falls under the category of food supplement.

Do you remember Edu Manzano sa kanyang spiel na “even at 52” ay feeling malakas at mukhang bata siya? Kahit sa radyo ay nagpo-promote din ng multi-vitamin si Mike Enriquez para maging “complete” siya. That’s the same product being endorsed by Angel Locsin and Piolo Pascual. Sa kabilang radio station ay isang food supplement din ang ini-endorso na mainam daw sa kidney.

Kapag inintindi mong mabuti ang mga commercial na ganun ay para bang totoo. Kaya lang, katulad ng lahat ng mga product endorsements na nabanggit sa itaas ay meron itong kakabit na No Approved Therapeutic Claim.

Kahit paano mo tingnan ay obvious na bumebenta ang mga food supplements o multi-vitamins na mga iyan dahil obvious din ang dahilan kung bakit. Hindi biro ang mga endorsement deals dahil bukod sa mahal ang bayad sa endorser—lalo na kung sikat na celebrity—ay malaki rin ang gastos para ipalabas ito sa TV o iparinig sa radyo o ipalagay sa dyaryo at magazines.

At sa iba’t-iba pang food supplements at multi-vitamins ay kapansin-pansin na puro sikat na celebrity ang mga endorsers. Kapareho ng promotional attack ng bagong movie, ang mga product promotions ay may kanya-kanyang target market kaya meron silang kanya-kanyang style.

Sabi nga ng mga nakakapansin, dinadaan sa laki ng puhunan ang advertisement ng mga ganyang produkto dahil doble naman daw ang bawi. Gaya ng mga cosmetic products, some estimates say na napakaliit ng puhunan ng mga food supplements at mas mahal pa ang packaging. In other words, ang pinakamahalaga sa ganyang produkto ay ang attraction sa buyers at hindi ang bisa o efficacy.

At dahil wala namang harm ang mga multi-vitamins o food supplement kaya hindi gaano ang ingat dito ng BFAD (Bureau of Food and Drug). Si Linus Pauling ang promotor ng pag-inom ng multi-vitamins. Isa siyang biochemist na nagawaran ng Nobel Prize for Chemistry noong 1954 at Nobel Peace Prize noong 1962. Sabi ni Pauling na mainam daw ang multi-vitamins sa katawan at hindi masama kahit man sumobra ang pag-inom.

Ngayong 2009 ay nagpalabas ng resulta sa The Archives of Internal Medicine ang Women’s Health Initiative ng kanilang pagsusuri sa 161,000 na babae. Ang multi-vitamins daw ay wala namang epekto sa heart disease at certain cancers. Kapareho ito ng pag-aaral sa 15,000 doctors last year na walang kaibahan ang Vitamins E at C sa Placebo (ang Placebo ay isang sugared pill). Ang nasabing vitamin ay hindi nakakabawas sa risk ng prostate cancer.

“I’m puzzled why the public in general ignores the results of well-done trials,” sabi sa New York Times ni Dr.Eric Klein, ang Chairman ng Cleveland Clinic’s Glickman Urological and Kidney Institute. “The public’s belief in the benefits of vitamins and nutrients is not supported by the available scientific data.”

Pati ang Journal of the National Cancer Institute ay nagsabi na karamihan ng mga trial studies ay walang maipakitang benefit para sa cancer. May inilabas na study result ang The Journal of the American Medical Association na ang beta carotene daw ay contributor pa nga sa lung cancer cases. At pati ang sobrang vitamin A at E ay nakakasama rin sa katawan.

Dito sa local scene ay may isang kuwento tungkol sa diabetes. Sinita raw ng doctor niya si Gary Valenciano dahil nag-eendorso ito ng herbal food supplement laban sa diabetes. Sabi ng doctor ay alam naman daw ni Gary V na hindi totoong effective ang nasabing herbal. Nang itigil ni Gary V ang commercial ng produkto ay nalipat naman kay Mike Enriquez ang pag-endorso dahil si Mike ay isang diabetic. Sa ngayon ay parang nawala na ang commercial ng ampalaya product na iyun.

May kasabihan na habang may nagpapaloko ay merong manloloko. Habang may bibili ng mga products with unproven efficacy ay may magtitinda. At habang may celebrity endorser ay lalong lalakas ang benta ng mga iyan.

Ang mga celebrity endorser ba ng mga produktong may label na No Approved Therapeutic Claim ay after the endorser fee lamang? Kung ang lahat sana ay kagaya ni Gary V na may kunsensya at ayaw manloko, malamang na mapapawi sa market ang mga produktong may label na No Approved Therapeutic Claim.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/