Mar 11
WRITER KA BA? by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Wed, Mar 11, 2009

Sadyang nakakabigla ang pagsulong ng technology dahil halos araw-araw ay may bagong lumalabas na facility para sa ikadadali ng trabaho. Sa natutuhan kong Windows 98 ay naging Windows XP at ngayon ay Windows Vista na. Kaya totoong halos naiiwan na ang mga tao sa napakabilis na takbo ng kalakaran ng technology.

Ang pagsikat ng internet ay isang bagay na hindi dapat ipagwalang-bahala. Gaya ng sabi sa mga articles na naisulat na, iba-iba ang klase ng mga websites sa internet na kung hindi natin aalamin ay magiging ignorante tayo pagdating ng araw. Gaya noong unang pagsilip ko sa website ng Film Academy, first time kong narinig ang salitang e-zine na ang ibig sabihin ay electronic magazine.

Writer ka ba? Yan ang tanong na narinig ko habang nasu-surf ako sa e-zine ng Film Academy. May 4 articles every week ang tinatawag na fapweb (Film Academy Website) at nangangailangan pala ng mga article writers. Although maliit ang bayad ay magandang practice para sa mga aspiring writers. Masarap pakinggan ang term na aspiring writer kaya I pretended to be one.

From the big mistakes at first, natuto rin akong magsulat based on the agreed outline. Matiyaga naman ang pamunuan ng fapweb dahil willing silang mag-edit ng writeups ko na kung minsan ay halos rewrite na ang ginagawa nila. Nakakatawa man pero totoo talagang may mga spelling na Bisaya sa pagsusulat ko. At enjoy naman daw silang mag-correct dahil nakakatawa raw basahin ang mga Bisaya na spelling ko.

Sabi ng aking mentor na ang importante ay hindi ang spelling dahil madali itong ayusin. Ang mahalaga sa article ay ang laman. Dapat raw na interesting sa mga readers at may mapupulot na information. Very simple rules to follow. That’s how they encourage writers in the website of the Film Academy.

Hindi man ako nakakapunta sa mga event na may celebrities ay nanghihingi ako ng information na makakatulong sa pagsulat ng isang sensible showbiz article. Puwede ring damputin sa mga newspapers pero dapat factual at original ang pagkakasulat. Hindi puwede ang mga imbentong intriga at lalong hindi puwede ang paninira. At hindi rin puwedeng copy-paste mula sa source dahil plagiarism ang tawag doon.

Sa almost 4 years ko bilang article writer ng FAPWEB ay once pa lang akong nakatuntong sa office ng Film Academy (see related article BAKIT LUNA?). Malayo kasi ang bahay namin kaya malaking pasalamat ko na ang bayad sa mga articles ko ay nakakarating pa rin sa akin kahit paano.

Wala sa aking isipan na ang pagiging contributor ko sa fapweb ay mayroong mga fringe benefits. Unti-unti ay may mga emails na pumapasok sa aking inbox. Karamihan ay pinupuri ang aking mga sinulat at meron ding mga nagtatanong o humihingi ng information. Mabuti na lang at wala pang humihingi ng tulong dahil hindi naman ako pareho ni Korina Sanchez na puwedeng mamigay ng mga tsinelas.

Hindi ko na matandaan kung paano ako naging interesadong mapasapi sa SGP (Screenwriters Guild of the Philippines) dahil hindi naman ako mahilig magsulat ng fiction stories. Open membership pala ang SGP at halos walang requirement para maging kasapi. At dahil sabi nila ay matuturuan naman akong sumulat ng script kaya nag-join na rin ako.

Bago pa man ako makapag-fill up ng membership form ay tinanong ako kung gusto kong tumakbong candidate. Malapit na pala noon ang election ng SGP para bumoto ng 7 board members. Feeling ko ay overstepping na ako dahil web writer lang po ako. Pero tumaba ang puso ko nang marinig ko ang comment na mas magaling pa ako kaysa sa mga nakaupong opisyales ng SGP at sigurado raw na maitutulak ko ang pag-unlad ng grupo.

Mahirap gumawa ng ganyang desisyon dahil sino ba ang boboto sa akin? Eh wala naman akong kilala sa mga kasapi ng SGP. Bago ako sumagot ay nagtanong-tanong ako. Kasapi naman pala sa SGP ang mga kapuwa ko web writers na si Tante De Ramos, Vince Ragay at Issa Sebullen. Aba, tatlong boto agad yun. At ayon sa balita ko ay halos 20 votes lang naman ang kailangan para manalo. Subukan ko kaya?

Sa araw ng election ay late na akong dumating kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magbigay ng short speech. Very tense ang atmosphere dahil may mga magkatunggali na halatang personalan ang labanan. May mga kandidato ring ayaw sumunod sa mga election rules.

Pagkatapos ng election at bago magbilangan ng boto ay lalong tumindi ang tension dahil nagsigawan ang ilang magkakatunggaling kandidato. Mabuti na lang at mahusay mag-control ng situation si Director William Mayo na siyang head ng election committee.

art-09march11-writer-ka-ba-pic-1.jpg
The incomplete SGP board members (from left): Andy Beltran, Hernan Robles, the author, Dr. Isabel Sebullen, Lita Duguran, Vic Dabao

At sa pagtatapos ng bilangan ay nakakatuwang makita ang numero sa tapat ng pangalan ko – 21 boto that’s good for 6th place. Yes, nanalo ang inyong lingkod dahil marami rin palang tagasubaybay ang website. At aminado naman ang lahat na nanalo ako dahil sa aking mga articles sa fapweb.

Ang pag-upo bilang isa sa board members ng SGP ay napakalaking hamon considering na walang pondo ang grupo pero napakaraming projects na dapat gawin. Ngunit sa pagkakaisa ng mga board members sa pagbigay ng full support sa aming napiling presidente na si Dr. Isabel Sebullen ay tiyak ang pagtatagumpay ng Screenwriters Guild of the Philippines.

Ang una sa plataporma ay ang pag-invite sa iba pang scriptwriters lalo na yung mga scriptwriters sa TV. There is strength in numbers kaya habang dumadami ang mga members ay lumalakas ang grupo. Gaya ng sabi ng aking mga kasamahan sa board, maibabalik natin ang glory days ng SGP.

Writer ka ba? Join na sa SGP by emailing screenwritersphils@yahoo.com

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/