Mar 04
GRAND SLUMDOG by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Wed, Mar 4, 2009

Slumdog Millionaire. Talagang milyonaryo ang dating ng pelikulang ito na shot on location sa Mumbai, India. Hindi inasahang mabibigyan ng 10 nominations at hahakot ng 8 Oscar statuettes sa nakaraang 81st Academy Awards.

Nakuha ng Slumdog Millionaire ang Best Picture. Best Director si Danny Boyle habang ang Best Adapted Screenplay ay napagwagian naman ni Simon Beaufoy. Pati ang mga technical awards ay hindi nakalusot sa Slumdog Millionaire dahil nakamit din nila ang Best Cinematography, Best Sound Mixing, Best Editing, Best Original Score at Best Original Song na composed by A. Rahman and Gulzar.

Ang kuwento ng Slumdog Millionaire ay umiikot sa isang binata na sumali sa isang game show na katulad ng Who Wants To Be A Millionaire. At dahil magaling ang binata ay nagduda ang mga tao kung may dayaan sa game show na sangkot pa ang host.

Ang plot ng multi-award-winning ay kamukha rin siguro ng local version ng Who Wants To Be A Millionaire hosted by Christopher De Leon. Sa sobrang hirap ng mga tanong ay sino ba ang maniniwalang may makakapanalo ng isang milyon? Pero wala namang nagtaas ng kilay nang makuha ni Sharon Cuneta ang jackpot sa local version dahil assumed na siguro ng mga viewers na palabas lang talaga iyun.

Ang unang foreign movie na nakapanalo ng major award sa Oscars ay ang Italian movie na The Beautiful Life noong 1997. Naging kagulat-gulat ang pag-announce ni Sophia Loren ng Best Actor para kay Roberto Benigni. Nakuha rin ng The Beautiful Life ang Best Foreign Language Film. May historical at racial touch ang The Beautiful Life dahil umiikot ang kuwento sa isang Nazi concentration camp para sa mga Jews.

Sa official entry naman ng Pilipinas sa Oscars, kahit walang nakuhang award ang Ploning ay magandang gawing inspiration ang Slumdog Millionaire at ang The Beautiful Life. Malinaw na ebidensya ito na may pag-asa palang manalo sa American award-giving body ang isang movie kahit hindi ito gawa ng mga Amerikano. Pero ano nga ba ang ingredients para manalo sa Oscars?

Conrado de Quiros, a political columnist of Philippine Daily Inquirer, has this to say. “It’s these times particularly that I grieve for the loss of Philippine movies. Unfortunately for us, the days when Philippine cinema was churning out fare like ‘Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon,’ ‘Himala,’ ‘Insiang,’ ‘Manila By Night,’ were the days when Hollywood was still impenetrable to foreign influences, notably Asian ones, giving it a horrendously parochial outlook. Indeed, for us to have produced some of the best films in Asia after Japan after World War II and to not be there to reap the fruits of our labors, it is a tragedy of epic proportions. Well, we were next to Japan in economic potential after the war, and look where we are now. But that’s another movie.

Kung nakagawa na tayo ng mga classic movies na puwedeng ipagmalaki ay maaari nating ulitin yun at siguro ay mas higit pang maganda this time. Pero ano bang klase ang mga movies na ginagawa ng mga malalaking producers natin? Mga love team na kahit puro pakilig lang ay sigurado namang kikita? Mga slapstick comedy movies na kahit pilit ang patawa ay hahakot naman ng benta sa takilya basta bugbugin lang ng promotion sa tv? O mga drama na walang humpay ng iyakan para maawa ang moviegoers?

At hindi rin magpapahuli ang mga indie. Noong una ay kapuri-puri ang mga quality films ng young directors natin pero lumitaw na rin ang totoong kulay ng iba. Mga gay movies ang obsession ng ilang moviemakers at yung iba namang may sense ay one shot deal lang at hindi na umulit dahil hindi naman daw kumita.

In fairness sa mga producers, indie man o malalaking production companies, mahirap daw ma-define ang so-called good movie. Ito ba ay historical o cultural? O baka naman purely entertaining lang dahil ang local movies ay itinuturing na number one entertainment noong araw na hindi pa gaanong marami ang tv.

Dagdag pa ni Mr. Quiros, “If the success of ‘Slumdog’ has anything to say to us, it is that in these days of visual razzle-dazzle, writing still counts for the world. Quentin Tarantino, in particular, who has attained iconic status with the young, may have done much to encourage the visual razzle-dazzle, but we may not forget that he is also one heck of a scriptwriter. Writing is the one thing our movies forgot, producers preferring to throw their money on stars rather than on scripts, and throw away money they did. ‘Slumdog’ was a novel that Beaufoy turned into a script. Many of the movies that are winning Oscars are so.”

Aminin man o hindi ay totoong ang mga artista ang nagdadala sa isang movie. Kahit sa TV ay nauuna ang casting at next na lang ang story and then script. Kaya nabubuhay ang mga antique stories gaya ng mga kuwentong gawa pa ni Mars Ravelo at Carlo Caparas ay dahil sa cast at hindi dahil talaga sa story o sa script. Pero may mga pagkakataon na ang script din ang nagdadala ng movie gaya ng ilang entries sa nakaraang MMFF.

Matapos ang casting angle ay muli tayong babalik sa tanong kung ano ba ang good movie? At bago masagot yan ay dapat munang sagutin ang tanong ng producer kung kikita ba ang movie?

Sa pagtatapos ng column ni Mr. Quiros noong Feb. 26, “We do have indie, of course, but we can do as well with mainstream. The two are not naturally opposed. I don’t know that it’s too late to revive the Philippine movie industry. I do know the resuscitation will entail investing in great scripts. Or on great scriptwriters. I don’t know why we shouldn’t think big, along the lines of Robert Bolt and David Lean as writer and director, respectively. We did have Ricky Lee/ Pete Lacaba and Lino Brocka in those roles not too long ago. And after all, the audience of movies is no longer just the local one, it is the world, balled up by true globalization (and not its GATT variety) into one global village.”

A slight contrary to the statement of Mr. Quiros, hindi lang script ang talagang problema sa local movies. Dapat sigurong mag-focus tayo sa mga story writers. Dapat rin sanang maintindihan ng mga producers na iba ang scriptwriter at iba rin ang story writer. Sa sistema kasi sa local movie industry ay kung sino-sino na lang ang nagiging story writer kaya napipilipit tuloy ang mga scriptwriters.

Marahil ay mag-iiba ang takbo ng ating local movies kung magtatagumpay ang SGP (Screenwriters Guild of the Philippines) sa mga upcoming projects. Siguradong dadami ang magaganda at interesting stories dahil balak ng SGP na mangolekta ng kuwento mula sa mga members na karamihan ay magagaling na story writers.

Para sa mga gustong sumapi sa SGP, puwede kayong mag-email sa screenwritersphils@yahoo.com

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/