Feb 25
TV ADS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Wed, Feb 25, 2009

Ang advertising ay napakalaking gastos pero hindi ito maiwasan dahil kakabit ito ng marketing. Sabi ng isang advertising executive na 20% ng overhead expenses should be spent in advertising the product. Katulad sa movies, ang gastos sa promotion ng pelikula ay umaabot sa halos 50% ng production budget.

Ang television ang most powerful sa mass media ngayon. Talo nito ang radio at print ads kahit malaking billboards pa dahil ang free tv ang may pinakamalaking audience. At ang most powerful one-minute-spot ay ang tv commercial. Isang psychologist ang nagsabi na ang mga bata o sanggol ay naturally attracted sa mga tv ads dahil sa sari-saring factors na nanunuot sa sensory glands gaya ng kulay, tugtog at kabuuan ng presentation. Hindi man isinama ng psychologist ang endorser as a factor ng tv ads attraction sa bata pero ang endorser, celebrity man o hindi, ang may natural attraction para sa mga adults.

Ang so-called celebrity endorsers ang inaasahan na bibitbit sa mga products. Ang kasikatan ng isang endorser ang binabayaran ng kumpanya. Yan siguro ang nasa isip ng Lactum powdered milk kaya ang kinuha nilang endorser ay hindi lang isa kundi tatlo: Claudine Barretto, Carmina Villaruel at Jodi Santamaria. Ganyan din ang Jollibee na dati nang endorsed ni Aga Muhlach ay isinama na rin ang mga anak niya. May commercial din si Claudine na kasama ang anak niyang si Sabina.

Speaking of family affair, maganda ang pagkakagawa ng Nido commercial featuring the singing prowess of Sharon and her daughters. Nakakatuwa rin ang biruan ng mag-amang Edu at Luis Manzano sa Lucky Me. Lately ay may Lucky Me commercial na rin si Sharon. Kasali rin sa family affair commercial ang Colgate toothpaste ng mga anak ni Carmina at ang Selecta Ice Cream na kumpleto ang pamilya ni Carmina.

Ang San Miguel Beer ay noted for big-budgeted commercials. Who would forget Fernando Poe, Jr? Siya ang biggest endorser ng San Miguel Beer. Hindi lang ilan ang nagsabi na si FPJ ang highest paid endorser during his lifetime. Isang mahabang series ang mga beer ads ni FPJ noong araw. At ang pinaka-cute ay ang pakikisalamuha niya sa mga taga-Tondo.

Hindi nakaligtas sa San Miguel Beer ang kasikatan ni Manny Pacquiao. Sa ngayon ay si Pacquiao ang biggest endorser ng San Miguel Beer. Ayon sa bali-balita ay napakalaking kontrata ang naibigay kay Paquiao dahil it is a lifetime contract, meaning kahit hindi na boxer si Pacquiao ay kikita pa rin siya sa nasabing kumpanya. Sa isang SMB commercial ay kasama pa ni Pacquiao si Jet Li, ang Asian martial artist.

Ang iba pang naging tv commercial ni Pacquiao ay ang Alaxan na may bagong version ngayon pati ang Talk N Text na kasama niya si Robin Padilla at Rufa Mae Quinto. Nakita nyo ba ang dating commercial ni Pacquiao na sardinas? Kumakain siya ng sardinas habang nag-eensayo! Ang McDonald’s endorsement niya ay hindi nag-click. Indirectly, nagbigay ng statement ang McDonald’s na hindi naman daw tumaas ang benta nila nang maging endorser nila si Pacquiao and family.

Pinakinabangan din ang biglang pagsikat ni Marian Rivera dahil agad siyang naging endorser ng Sunsilk shampoo, Nesvita at iba pang mga apparel products na makikita sa mga malls. Si Angel Locsin at Judy Ann Santos ang ilan pa sa mga favorite endorsers ng mga beauty at slimming products.

At dahil sa power of tv ads kaya malaking pera ang inuubos ng presidential aspirant na si Senator Manny Villar. Halos lahat yata ng tv channels at lahat ng tv programs ay makikita mo ang kanyang Itik Infomercial. Hindi man nakakasiguro sa panalo si Manny Villar ay nakakasiguro naman siyang malaking exposure ang naibibigay ng kanyang infomercial sa tv.

Ang paggawa ng tv commercial ay hindi biro. Sa isang minutong running time ay inaabot ng mahigit isang araw ang shooting. Can you imagine kung gaano kahirap i-shoot ang Close Up commercial featuring Gerald Anderson and Kim Chiu? Much more sigurong mahirap gawin yung commercial ng Touch Mobile kung saan nagtawag ng mga callers si Dingdong Dantes upang sagutin siya ng babae.

Depending on the endorsers involved, inaabot ng milyon ang budget ng commercial shoot, kasama na rito ang post-production. Pero mas malaking pera ang kailangan para maipalabas ito sa tv. Ang isang 30-second spot sa primetime ay umaabot ng 80,000 to 90,000 pesos kaya parang masyadong maliit kung isang milyon lang ang advertising budget ng isang product. Dito malinaw na makikita kung paano kumikita ang mga tv networks at kung paano nila nababayaran ang mga artista sa kanilang programs. Ang lahat ay dahil lamang sa mga tv ads.

Pero hindi lang ang endorser ang bumubuhat sa product. May mutual benefit ang product at endorser. Ang Camay soap commercial noong araw ay isang vehicle para pasikatin ang mga katulad ni Maritess Revilla. Si Toni Gonzaga ay nagsimula sa Sprite commercial kung saan ang papel niya ay isang fan ni Piolo Pascual. Malamang ay naaalala pa ninyo ang McDonald’s commercial drama ng lolo ni Karen o Gina. Naging sikat na character actress si Karen Delos Reyes after that commercial.

Lately ay may mag-inang nasa Coke commercial. Ang anak ay hindi natanggap sa trabaho at inaliw siya ng nanay niya. Ang catchy dialogue ng anak ay “Mag-artista na lang kaya ako?” Artista na rin ang mag-ina na yun. Ang nanay ay isang albularyo sa Luna Mystika at yung anak naman ay nasa isang program ng ABS-CBN.

May mga long-running commercials na may story. Ang “wais” ng surf ni Lumen (January Isaac) ay nag-umpisa nang dalaga pa siya at umabot hanggang magkaroon sila ng anak na kambal. Malaki ang papel sa nasabing commercial ng biyenan ni Lumen na si Obang. Incidentally, that Obang character brings to mind Maxima Labandera, another soap commercial character na pinapelan ni Lorli Villanueva. Another “storical” commercial is that of Electrolux na inabot daw ng halos 10 years sa tv.

Maraming cute na tv ads pero ang isang very cute at malakas ang dating ay ang Fita commercial. Isang matanda ang nanghingi ng pagkain sa isang binata at dahil iisa na lang ang Fita biscuit kaya naghati sila. Fairy pala ang matanda at ibinigay niya ang wish ng binata na isang magarang kotse. Pero dahil kalahating biscuit lang ang ipinakain sa kanya kaya kalahating kotse lang ang napunta sa binata.

Currently ay isang suitor ang nagtatanong ng sagot ng babaeng nililigawan niya. Humarap ang babae holding 2 pieces of Fita biscuits to signify yes. Pero dinakma ng lalake ang isang biscuit at isinubo sabay reklamo ulit kung kelan siya sasagutin. I’m sure napapangiwi ang audience sa effectiveness ng nasabing commercial.

Kung may cute ay meron ding panis na commercial. Ang KFC ay notorious sa mga nasty tv commercial. Unforgettable yung isang promo product nila kung saan dinuraan ng character ang pagkain bago inialok sa kaibigan. Meron pang isa na bonding daw ng pamilya kaya kumakanta ang father ng kanta ni Sampaguita pero yung anak na binata ay binabastos ang tatay niya. Ang latest caper ng KFC ay ang character na nakisawsaw sa kape ng katabing mesa. Puwede nang bigyan ng trophy ang KFC commercial para sa kanilang paghahasik ng kabastusan.

Kapansin-pansin ang proliferation ng mga NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIM products na under food supplements pala. May pampalinaw ng mata, pampalakas ng kidney, pampalakas ng liver, pampalakas ng lungs at iba-iba. At marami ang taong nauuto na bumili ng product na hindi naman proven ang effectiveness dahil natatangay sila ng spiel ni Robin Padilla at sa ngiti ni Charlene Gonzales. Sana dumating rin ang araw na magkaroon tayo ng Truth In Advertising.

At kapag hindi ka satisfied sa nakikita mo sa tv? Just click on the remote to change channels, di ba?

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/