Nov 24
SHOWBIZ NYAHAHA – ALAY SA SENIOR CITIZENS by fapweb  |  Posted in Articles  |  on Wed, Nov 24, 2004

Ni Sandra Orros Co

Mataas daw ang hits ng www.fapweb.org sa Australia, Canada at Hongkong tapos nangunguna daw sa page hits ang column ng lola nyo. Bravo! Pero teka lang, Tita, eh di ba malakas ang demand para sa caregiver sa nasabing mga bansa? Kung tutuusin eh di puro amoy-lupa pala ang aking mga tagabasa, huhuhu. But on second thought, mabuti at kahit paano ay nakakapagpaligaya pala ang ating nyahaha. Wala lang sanang ma-atake de corazon o mai-stroke sa katatawa. Kaya mga senior citizens in the foreign countries, eto ang inyo…

  • Tanong: Sinong action star ang paborito ng mga pari?
    Sagot: Si MONSIGNOR DEL ROSARIO
  • Would you believe na ang wife ni E.R Ejercito ay si E.R Ejercito din? At ang wife ni Bembol Roco ay si Coco. Ano naman kaya kung naging mag-asawa si Vilma Santos at Jao Mapa? Eh di naging Vi Mapa.
  • Tanong: Sinong direktor ang mahilig sa Chinese food?
    Sagot: Si Peking Gallaga
  • In a high class resto: natatarantang lumapit ang waiter sa bartender nila dahil ang customer niya ay sina Jinggoy, Phillip, Bong at Rudy.
    Bartender: Ano ang drinks ni Phillip?
    Waiter: Iced tea.
    Bartender: Ano ang drinks ni Jinggoy?
    Waiter: Iced tea.
    Bartender: Ano ang kay Bong?
    Waiter: Iced tea.
    Bartender: Kay Rudy?
    Waiter: Lorna T.
  • Tanong: Bakit ayaw magpahaba ng sideburns ni Robin?
    Sagot: Baka kasi tawagin siyang Robin Patilya
  • Hindi related sa isa’t isa sina Boots Anson-Roa, Boots Bautista at Boots Plata. Lalong hindi sila related kay Manay Lolit Shoelace.

Pasingit muna. Napakalaking isyu ng break-up ni Jomari Yllana at Ara Mina. Pero hindi pa rin mapapantayan ang malakas na pagsabog ng break up ni Mayor Joey kay Kris dahil nationwide talaga at sa prime time TV pa. Isang positive result ng isyu na iyun ay ang discovery kay Melanie Marquez. We are trying to have contact with Melanie… oops, nahawa yata agad ako ng Melanism. Seriously, gusto naming ma-publish ang kanyang immortal words na “Don’t judge my brother, he is not a book!” Gusto rin naming ma-confirm kung totoo ang balitang kaya sila nagkagalit ni Senator Lapid kasi hindi si Melanie ang kinuhang interpreter sa senate.

  • Tanong: Sino ang artistang pinakamagaan?
    Sagot: Si Palito.
    Tanong Ulit: Sino ang artistang pinakamabigat?
    Sagot Ulit: Si TonTon Gutierrez
  • Kuripot daw si Diether? Read this. During a location shooting in a busy Manila thoroughfare, while waiting for his take, a shoeshine boy approached Diether. Tumanggi si Diether pero nangulit ang bata. Tanong ni Diether, magkano ang shine? Sagot ng bata, beinte pesos. Tumawad si Diether, kinse na lang daw. Sagot ang bata, sige, payag. After shining Diether’s shoes, Diether gave the boy 20 pesos and added, “O, eto ang beinte, keep the change.”
  • Tanong: Sino ang pinaka-popular na bold star? Sagot: Si Katya
  • Sa isang audition: Tinatanong ng audition master ang pangalan ng mga aspiring comedians. Sagot ng isa, “My name is Marcellanicandrilo.” Pumilipit ang tenga ng audition master kaya nagsalita ulit ang aspiring comedian, “Just call me Long for short.”
  • Tanong: Sino ang pinakamahiyaing bold star? Sagot: Si Tioffee Calma
  • Mga obserbasyon. Yung singer na si Nina ay lookalike ni Roselle Nava. Si Joyce Jimenez kaboses ni President GMA. Si Rainier Castillo naman ay kasing height ni Sen. Juan Flavier.

Again, may we remind the readers na nyahaha lang po ito kaya wala sanang nega react, ha? Kung sakaling nako-cornihan kayo, gumanti na lang kayo sa poll, just vote me out, huhuhu. Pero teka, teka lang, Tita, pag natuwa kayo dapat vote me in, ha?

At sa mga nagbabasa diyan, hoy, taga-basa na lang ba kayo lagi? Magpadala naman kayo ng nyahaha, share your humor to the world. Email to fapwebmb@yahoo.com with the subject NYAHAHA. Promise, mapapa-publish lahat ng padala ninyo… kung hindi corny, ha? Till then, Batuten and arrivederci, Pichi-pichi… S.O.C.