Nov 17
EMAIL FROM MARS by Buddy Palad  |  Posted in Articles  |  on Wed, Nov 17, 2004

Mga Katoto sa panulat,

Sadyang iba ang dating ng sariling wika lalo na kung mula sa tilamsik ng panulat at matayog na pagkukuro ng isang kaibigan at kapanalig sa Sining na kapwa natin itinatanghal. Mabuhay kayo! Ganyan talaga ang trahedya ng mga dakilang artista, ng mga taong patuloy na nararahuyo sa kanilang Musa.

Sa pagtalikod ko sa over 30 years arts corporate management supervision background ko mula pa nung PETA days in the 60′s hanggang sa PNC ARENA – MLA MET – BULWAGAN – TEATRO PILIPINO – UL – FOLK ARTS of the 70′s to the early 90′s - ending in the last 13 years I spent as Executive Staff of CCP, I turned my back in all of that –just to devote my life and time with the now classic if famed multi-award winning TV drama anthology Balintataw. Had I stayed in CCP, sana yung pwesto ngayon ni Tata Nanding bilang artistic director ng CCP o maski na si Nes Jardin bilang presidente nasumpungan ko rin dahil nauna naman ako kay Nanding at kasabayan ko lang si Nes. Ay naku…buhay nga naman. Ang sarap mag-flashback lalu na ngayong nagsisipagtanda na tayo. But as we say in life: you win some, you lose some. Or more philosophically perhaps, you lose small battles to win a bigger war. Ang kawawa yung mga napinsala, nabaon na’t di makaahon, o yung mga di na halos makagulapay sa short and long term effects of our battles in and of life like the prevailing third-world realities in the Philippines.

Actually, naalala ko kayo nung pauwi na ako sa Sydney. Nagmumuni-muni ako sa eroplano at sinasariwang mga pinagdaanan kong ekse-eksena nung huli kong isang buwang bakasyon sa Pinas. Mabuti at sumama ako kay Len Santos sa screening ng Film Academy Awards, bumulaga sa akin, in one turn of a page lahat ng problema ng industriya. Tapos nung ma-engkuwentro kong mga dating co-writers natin, at marinig muli ang mga inuban nang proble-problema ng bawat isa, sabi ko sa sarili ko God Forbid, 10 years akong nawala, ‘pagbalik ko – yun at yun pa rin, mas lumala pa. Inisip kong buti na lang at kumalas na ako sa realidad na yon. And yet, nalungkot ako at naantig kasi damang-dama kong mga problema ninyo and yet I have willfully escaped all that. Tapos, yung kakatuwang eksenang iniintriga ka sa akin ng mga naiinggit sa iyo kundi man naghahangad ng iyong puwesto (not knowing na magkumpare tayo at dating magkasama sa teatro) symptomatic yan kung gaano kaliit ang mundo ng showbiz at kung paano Nagkakasiga–sigalot ang bawat isa dahil nabulid na sa sitwasyong survival of the fittest. Hindi ninyo marahil nakikita iyan, kasi ibang pananaw ng dating insider now on the outside looking in. Pero sa totoo lang, saludo ako sa inyo, may halong inggit at pagtanggap sa may pagka-romantikong katotohanang buti pa sila may ipinaglalaban.Bagam’t marami rin akong ipinaglalaban dito, where I am in our own Pinoy community sa Sydney, iba pa rin yung nasa sarili kang “turf” di ba? In that sense mga bayani kayo..

MAHABA NA ITO. SARAP KASING MANAGALOG SA PANULAT. Pero yung inilarawan mo sa aking kagampanan ngayon sa industriya dapat talagang mabuwag o ma-expose maski man lang sana ng mga higit na analitikong kolumnista gaya ni Nestor Torre (halimbawa). Dapat ito ang mga mapanuring isyung tinatalakay niya sa kanyang mga columns unless takot siyang mambulahaw. Halimbawa ang namamayagpag na ABS-CBN Channel 2 versus GMA- Channel 7 Battle of Network sort of thing is yet another, and even worse, form of corporate corruption and anarchism that prevents individuals, let alone artists, from reaching their greatest development. It’s the usual company image building or pretext of democratic sharing of equal opportunities when in fact it is but an amorous form of network control whereby they employ the supposedly senior writers as senior creative heads of teams and then get a youthful pool of writers (full of wannabes?) so gullible and susceptible to embracing company goals, ergo, blindly adhering to vaunted raison de etre and advancing corporate interests. In the final analysis, it only serves and benefits a few goliaths, and in the process, systematically maims and kills the individual creative geniuses of the little Davids, you know, such gem of budding writers.

I subscribe to your grand notion, if given the chance, to employ and give breaks to all wannabe writers in alternative films. In fact, Vangie Labalan had just phoned me from there recently asking for filmic story ideas for some independent producers at the same time lamenting the present state of affairs in Philippine movies. I postulated, rather philosophically, that she should well and truly rejoice the fact that statistically the shortage in filmmaking now should give rise to a new era of alternatively conceptualised and independently produced films in the Philippines. Methinks that these two buzz words combined ought to form the order of the day: to produce alternative films independently. In the long run, this will now cause the natural death of such prevailing ills of Philippine movie industry as monopoly of producers/distributors; eliminate the star system and foster the professionalization and standardization of fees as opposed to the exorbitant fees of supposed “bankable stars” etc. Through this natural take over, as natural as the wiping out of the American bases following the Mt. Pinatubo eruption, there cold be nothing better achieved here but progress, maturity, and elevation of the very low standards of artistic excellence and professionalism that has pervaded the industry since time immemorial, to use a cliche.

I am sorry if begining to sound so gnomic and sententious, nahawa lang ako sa-pagsasanta-barangka ninyo.

O siya, paminsan-minsan tsismisan nyo ako. BAGO KO MAKALIMUTAN, GUSTO KONG SUMALI SA FAP SCREENWRITING CONTEST NA NABANGGIT NYO. WALA NAMANG PROVISION NA DI PWEDENG OVERSEAS BASED PINOYS DI BA, TULAD NG SA PALANCA. IN THAT CASE, PAKI-EMAIL MO AKO NG RULES AND REGULATIONS, ENTRY FORM ETC. ASAP PARA MAKAHABOL PA AKO SA DEADLINE.

My love and best greetings to all our friends and fellow pen-pushers there.

marscavestany@optusnet.com.au