Nov 17
CHIKA – MGA PASAWAY SA TV by fapweb  |  Posted in Articles  |  on Wed, Nov 17, 2004

Kinalap ng FAPWEBMB Staff

High rating na raw ang Mel and Joey tuwing Linggo sa GMA-7. Pero kapansin-pansin ang contrast nila at pagkawala ng symmetry. Hindi marunong sumakay si Mel Tiangco sa mga jokes ni Joey De Leon. Madalas ay kina-cut ni Mel ang pagtawa ng audience sa bigla niyang pagsingit right after na mag-joke si Joey. Nabalita nga noong umpisa na nag-walk out si Joey sa set dahil hindi niya nagustuhan ang pagsita sa kanya ni Mel.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Very commendable ang ginawa ng MTRCB sa pagsita kay Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla. Madalas kasing sobra ang cleavage na pinakikita ng kasuotan nila, plunging neckline, wika nga.

Naalala namin noong araw na si Tita Midz pa ang MTRCB chair. Sinulatan namin siya dahil sa kalaswaan ng jokes ni Willie Revillame sa MTB. Medyo matigas ang sagot ni Tita Midz sa amin, hindi raw nila jurisdiction ang TV. Makalipas ang ilang linggo, sinuspindi niya si Willie.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sana naman ay maging mild ang network war ng ABS-CBN at GMA-7. Nakakairita kasi na halos magkapareho lagi ang programming nila. At madalas pang magkasabay ang mga commercials. Maraming nagsasabi na ang ABS-CBN daw ang nanggagaya. Kung totoo ito eh tama lang dahil sila ay nasa Channel Too, di ba?

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Click na click daw ang Mulawin, the highest rater ng prime time lately. Maganda naman kasi ang tema pati ang mga characters kahit sabihing fiction ay realistic ang mga personalities. Hindi tulad nung mga nakaraang soap na ang mga kontrabida ay mas salbahe pa kay Satanas. Sana maging leksyon ito sa mga writers na ayusin ang mga characters nila. At pati na rin ang mga dialogue itama nila. Naalala namin yung eksena ni Gina Parreño kasama ang isang batang 8 years old yata, sabi ng bata, “Baka naman po puwedeng pakiusapan ang may-ari nitong bahay para hindi na tayo palayasin.”

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Speaking of dialogue, napanood ba ninyo ang interview kay Jomari Yllana? Tungkol sa issue sa kanila ni Ara Mina? Aba, parang nagte-take sa harap ng camera kung magsalita si Jomari, kuntodo acting ang mukha at pati pag-deliver ng dialogue ay very, very emphatic na naging OA na tuloy. Para ngang scripted na may pakanta-kanta pa. Kaso medyo kulang kasi hindi siya umiyak eh. Bitin ang pag-emote, hehehe.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Kabaligtaran naman ang interview kay Ara. Very casual at mabilis magsalita si Ara. Malinaw rin lahat ang mga sinabi niya. Wika nga niya, madaling unawain ang mga issue kung may common sense. Matapos ang series ng tanong at sagot ay nagpatugtog ang spinner. Matigas ang salita ni Ara, “Hay naku, sawa na kong umiyak. Wag na kayong magpatugtog.” Hehehe, sino ang napahiya?

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Pagdating sa showbiz chikahan, wala na yatang tatalo sa Philippine TV. Sa morning shows pa lang eh batbat na ng showbiz chika at may blind item pa! Pagdating ng evening news, meron pa rin at hindi lang konti, marami talaga. We never imagined na magiging chikador si Richard Gomez, of all people sabi nga. Mukhang big business talaga ang showbiz chika kaya kina-career na ni Goma. Hmm, makikisali na rin kami, hehehe.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

On the brighter side, buhay pa rin ang Wansapanataym. Mukhang yun na lang yata ang natitirang honest-to-goodness children’s show sa primetime. At balita namin nakakuha ito ng award. Sana maging inspiration ito sa mga networks para maiba naman ang prime time menu nila. Calling ABC-5, isama na ninyo sa reformatting ang children’s hour pag prime time para gayahin kayo.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Malapit nang matapos ang contract ni Dolphy sa Home Along Da Airport. Sana mag-retire na siya kahit pansamantala. Uh, meron ba nun? Anyway, mababa na rin ang rating ng Home Along. Sabi ng ilan baka si Long daw ang malas. Hindi naman siguro. In fairness, sayang ang galing ni Long, parang nabuslo nang mapunta siya sa ABS-CBN.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Isa pa si Arnell Ignacio na malas daw. Bakit naman pag bumaba ang rating ay sinasabing malas ang host o cast? At accurate ba naman yang rating na yan? Sa tingin namin, ang writers o creative department ang nagdadala ng isang show lalo na kapag variety o talk show. At sa tingin din namin kahit na sino pa ang maging host basta malaman at interesting ang mga features ay tiyak na bebenta ito. Tingnan nyo ang Chow Time ng IBC-13, kinuhang host si Marissa Sanchez para malaman, hehehe.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Nag-click ang StarStruck, click din ang gumayang Star Circle Quest. Ngayon, ayan, tambak ang mga artista sa TV. Responsibility ng mga network na bigyan sila ng shows, di ba? O, magandang dahilan iyan upang alisin ang mga imported na soap at palitan ng sariling atin. Inumpisahan na ng Daisy Siyete sa hapon at ng Sarah, the Teen Princess. Kaya nga lang nasibak na ang Sarah. Konting payo lang po, mga dear TV channels, subukan ninyo ang mga bagong writers na isulat kayo ng makabagong istorya para sa inyong mga bagong artista.

At kung kailangan ng bagong writers eh di contact SGP. Ayan lang sila, o!