Jan 06
MELANIE – THE OTHER SIDE by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Tue, Jan 6, 2009

Sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Melanie Marquez ay hindi maiiwasan ang mapangiti o mapatawa dahil kakabit na sa kanya ang so-called Melanisms. Ito yung mga nakakatawang English na hindi naman natin talaga alam kung sinasadya niya o hindi. Yung most famous quotation niya na “Do not judge my brother, he is not a book” ay sadyang mahirap makalimutan at lalong mahirap magpigil ng tawa.

Katakatakang napasali ang pagiging book author sa bio ni Melanie. Tinotoo niya ang sinabing maglalabas siya ng libro ng kanyang mga Melanisms. Parang book of quotes ang dating nito.

Eto ang ilang samples na karamihan ay during the time of war between Joey Marquez and Kris Aquino.

1. My brother is not a girl, he’s a gentleman.
2. That’s why I’m a success it’s because I don’t middle in other people’s lives.
3. I won’t stoop down to my level.
4. Hello? Bulag ka ba? Bingi ka ba? Are you dep?
5. Yung STD, baka sa maruming toilet lang niya nakuha yan.
6. We are lovers, not fighters.

Bilang isang artista ay isang malaking coincidence naman na nagkaroon ng relasyon si MM kay LL. Sa salita ni Melanie ay hindi niya alam na may asawa si Lito Lapid kaya niya ito pinatulan. Si Manuelito, ang naging anak nila, ay naging dahilan ng misunderstanding between MM and LL a few years back at involved pa ang asawa ni LL na si Marissa at ang anak na si Mark, dating governor ng Pampanga. As of now ay nanatili na lang sa Amerika si Manuelito.

Naging asawa rin ni Melanie ang actor/producer na si Derek Dee. At sa kanilang paghihiwalay ay hindi ibinigay ni Derek ang 2 anak nila ni Melanie. Hindi naman pumayag si Melanie at nangibabaw ang kanyang pagiging guerera. Kinidnap niya ang dalawang anak na sina Xuxa at Sarah at dinala sa Hongkong. From there ay nagpunta ang mag-iina sa Amerika upang doon na manirahan.

Ang gulo ng mag-asawa ay umabot sa korte (dahil nga sa pagkidnap sa mga bata). Pero hindi natakot si Melanie sa kayamanan at mga connections ni Derek at ng kanyang nanay. Sa pagbabalik ni Melanie sa Pilipinas ay naayos naman ang lahat at ang mga demanda laban sa kanya ay nawala na rin.

Pero bago ang lahat ay huwag kalimutang si Melanie ay hindi lang isang artista, hindi lang kapatid ni Joey Marquez at hindi lang siya anak ni Artemio Marquez. Si Mimilanie Laurel Marquez, na tubong Mabalacat, Pampanga, ay nanalong Miss Philippines sa edad na 16 at nahirang na Miss International noong taong 1979 sa Tokyo, Japan.

art-09jan06-melanie-the-other-side.jpg
Melanie Marquez with husband Adam Lawyer while being interviewed by Boy Abunda

Hindi doon natapos ang mga conquests ni Melanie dahil siya ay naging Face of the 80s winner sa New York noong 1985. Naging first runner up din siya sa Supermodel competition noong 1986 na ginanap sa Italy kung saan nakamit niya ang parangal bilang Most Glamorous Woman. Si Melanie ang representative ng Pilipinas para sa Mrs. World pageant noong 2005.

Si Melanie ay larawan ng katapangan. Hindi nga ba’t marami ang nagulat nang mabalitaang naging asawa ni Melanie ang isang Arab? At nagkaanak pa siya. Kaya ang akala ng marami ay malaking alimony ang nakuha ni Melanie mula sa Arabo. Ngunit sabi ng isang close friend niya, “Hindi totoo yun dahil hindi naman manghuhuthot si Melanie. Pag ayaw na sa kanya ay ayaw na rin niya. Another thing, marami namang naipong pera yung tao.”

Behind the issues, the achievements and the failures ay konti lang siguro ang nakakaalam na si Melanie ay marunong mag-alaga ng friendship. Marami na ang nagsabing isang mabuting kaibigan si Melanie. “Tuwing darating sa Pinas yan, hindi puwedeng hindi titimbre,” sabi ng isa niyang close friend. Sagot naman ng isa pa, “Tinutulungan niya ang mga friends niya lalo na kung gipit pero hindi yung pareho ng iba na nagbibigay. Tutulungan ka niya sa trabaho at bibigyan ka lang ng pera kung talagang wala na siyang mairekomendang trabaho sa iyo.”

Noong 1996 ay naging Bb. Pilipinas si Daisy Reyes, isang beauty queen na naging artista rin. Naging delinquent si Daisy sa kanyang mga obligations bilang Bb. Pilipinas kaya binalak ng organization na tanggalin sa kanya ang crown. Bukod kay Dindi Gallardo at Ruffa Gutierrez ay isa si Melanie sa mga tumulong upang hindi mawala ang korona ni Daisy. At dahil siguro sa kakulitan (at impluwensya) ni Melanie kaya natuloy naman ang paglaban ni Daisy sa Miss World pageant bilang representative ng Philippines.

Hindi siguro matandaan ng karamihan na may trophy si Melanie bilang artista. Nanalo siyang Best Actress sa kanyang bio-flick na The Untold Story Of Melanie Marquez. Naging entry ito sa Metro Manila Film Festival at si Melanie din ang producer at directed ni Artemio Marquez. At kahit hindi kumita ang nasabing pelikula ay maligaya namang tinanggap ni Melanie ang trophy na bigay ng MMFF with matching speech na “Eto na po ang pinakamaligayang Pasko at manigong taon sa inyong lahat.” At bilang dagdag, sinabi pa niyang, “Ang tatay ko ang the only living legend na buhay.”

Sa ngayon ay happily married si Melanie kay Adam Lawyer, isang Australyano na naka-base sa Utah. Coincidentally, si Mr. Lawyer ay isang abugado. Balita ang pagiging mayaman ng asawa ni Melanie dahil may ranch pa nga ito sa Salt Lake City. At dahil isang Mormon si Mr. Lawyer kaya si Melanie Melanie ay naging member din ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

Bukod sa pagiging movie and tv actress, kasama rin sa bio-data ni Melanie ang pagiging producer at personality development coach, author at celebrity endorser. Ang buhay niya ay isang open book kaya hindi natin siya dapat husgahan.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/