Dec 19
DEADLY SLEEP by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Dec 19, 2008

Sa pagpasok ng second week of December, 2008 ay nagkaroon ng deadly sleep sa showbiz, not once kundi twice pa.

Sa Antipolo City ay hindi na nagising si Marky Cielo at hinihinalang bangungot ang dahilan ng kanyang pagkamatay. After 4 days ay si Didith Reyes naman ang kinuha ng bangungot habang nakikitulog sa bahay ng isang kaibigan sa Laguna.

Para sa mga kabataang hindi nakakaalam, si Didith Reyes ay isang sikat na singer noong araw bago pa man lumitaw ang pangalan ni Imelda Papin, Claire Dela Fuente at Eva Eugenio. Taong 1975 nang pumutok sa radyo ang kantang Araw-Araw, Gabi-Gabi which was composed by Willy Cruz. Dahil sa sobrang kasikatan ng kanta ay ginamit itong title ng movie ni Charito Solis.

Next to hit the FM radio charts was Bakit Ako Mahihiya na composition naman ni Pablo Vergara. In the footsteps of her first blockbuster song, ginawa ring movie ang kanta ni Didith at si Alma Moreno ang naging bida.

Sa lahat ng kanta ni Didith, ang pinakasikat ay ang Nananabik. Naging movie rin ang Nananabik at mismong si Didith ang naging female lead opposite Ricky Belmonte. Ang isa sa amusing facts ng kantang Nananabik ay ang paglabas ng left breast ni Didith habang kinakanta niya ito sa Famas Awards night na ginanap sa Manila Hotel. Incidentally, nasa front row pa si Mayor Joseph Estrada ng San Juan. Hindi ba’t nabalitang nagkaroon ng relasyon si Didith at ang Mayor? At walang dudang dahil yun sa Manila Hotel incident.

Kung tutuusin ay very short ang singing career ni Didith Reyes. Inabot lang ng almost 3 years ang kanyang kasikatan dahil inagaw na siya ng masamang bisyo. Sabi nga ng composer na si Pablo Vergara, “Ilang beses na naming tinulungan ni Tito Sotto yang si Didith pero walang nangyari. Hindi lang naman kasi sa alak ang problema niya, pati rin kasi sa drugs.”

Sa edad na 60 ay nag-final goodbye na si Didith Reyes dahil sa bangungot. Ang iba pang hits na kinanta ni Didith ay Hatiin Natin ang Gabi, Hindi Kami Damong Ligaw, Huwag Mamangka sa Dalawang Ilog at marami pang iba.

Si Marky Cielo ay nakilala bilang Ultimate Sole Survivor sa 3rd edition ng Starstruck. Kasama niya dito si Jacky Rice, Iwa Moto at Gian Carlo. First year architecture student siya sa St. Louis University of Baguio that time. May Igorot blood si Mark Angelo Cadaweng dahil pure Igorot daw ang mother niyang si Mildred. Ang father ni Marky ay Bisaya na taga Butuan City.

Matapos ang Starstruck ay napasama si Marky sa very successful fantaserye na Encantadia. Kasama rin siya sa Fantastikids, Bakekang at Asian Treasures. Lumawak na ang papel niya sa Boys Nxt Door at isa siya sa mga bida sa Kaputol Ng Isang Awit. Kasama rin si Marky sa Codename: Asero at bilang si Zaido Green sa Zaido: Pulis Pangkalawakan.

Ang huling soap ni Marky ay ang La Lola kung saan driver ang papel niya. Mainstay din siya sa Sunday noontime show na SOP. Dahil mahusay magsayaw ay kasalukuyang binubuo pa lang ang rivalry nila ni Mark Herras sa dance floor.

SUDS (Sudden Unexpected Death Syndrome) ang medical term sa bangungot. Minsan namang tawag dito ay SUNDS (Sudden Unexpected Nocturnal Death Syndrome) dahil ang biglaang pagkamatay ay nangyayari sa gabi o habang natutulog.

Doctors say that most cases of bangungot can be linked to pancreatitis o acute hemorrhagic pancreatitis. Ito ang pamamaga ng pancreas, ang internal organ na nagpo-produce ng insulin. Kapag sumobra na ang pamamaga ay puputok (rupture) at magdudugo that may lead to sudden death.

Kahit wala mang diabetes ang tao ay hindi pa rin ligtas sa unexplained problem related to the pancreas. Ang hypoglycemia ang isa ring dahilan – ito ang extreme lower than normal of blood glucose o ang sinasabing pagbaba ng blood sugar na nagiging sanhi ng pagkaubos ng energy ng isang tao. At dahil wala nang lakas ang tao kaya hindi na nito kakayaning magising pa.

Hindi man conclusive ay may mga doktor na nagsasabing sleep paralysis ang dahilan ng bangungot. Magigising man ang tao pero hindi niya kayang gumalaw dahil paralisado ang buong katawan at tanging isip, mata at tenga na lamang ang gumagana sa kanya. Pero ang sleep paralysis ay hindi gaanong deadly na gaya ng SUNDS dahil puwede pa silang gisingin kung sakaling may kasama sila sa pagtulog.

Ang iba pang studies ay nagsasabi na ang bangungot ay unexplained death during sleep. It is a serious disorder that causes the breathing to stop repeatedly. Ang APNEA o ang paghinto ng paghinga habang natutulog ay karaniwang sakit ng mga matataba. Ang symptom nito ay ang malakas na paghihilik o snoring ay directly connected sa heart. Kaya dapat may heart checkup kapag malakas maghilik ang isang tao.

Ang isa sa common type ng apnea ay OSA (Obstructive Sleep Apnea) – kapag ang ngala-ngala ay humaharang sa airway ng throat. At dahil hindi makapasok ang hangin kaya nahihirapan ang natutulog. In short, ang apnea ay related sa paghinga ng taong natutulog. Kaya may kasabihan na dapat lang gisingin ang isang taong naghihilik.

Ang kasabihan ng mga matatanda na huwag matutulog nang busog ay may scientific basis dahil may chance na magkaroon ng obstruction kung mag-produce ng gas ang tiyan due to excessive acid. Kapag nagkaroon ng matinding kabag ang isang natutulog ay maaaring makaperhuwisyo ang kabag sa kanyang paghinga. At kapag nahirapang huminga ay puwedeng maging sanhi ng atake sa puso.

Si Marky Cielo ay pinipilit gisingin ng mother niya. Actually dinala pa siya sa ospital in the hope na magagawaan pa ng paraan ng mga doctor sa Antipolo Hospital. Pero DOA (dead on arrival) na si Marky. Si Didith Reyes naman na isang alcoholic ay hinihinalang patay na bago pa man malaman ng mga tao sa tinulugang bahay.

Ang isa sa most celebrated bangungot case ay ang pagkamatay ni Rico Yan noong 2002 sa Puerto Princesa, Palawan. Nasa Dos Palmas Resort si Rico kasama si Dominic Ochoa at ilan pang artista habang ginagawa ang television commercial ng Talk N Text.

Ayon sa findings, ang ikinamatay ni Rico ay cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis. Ibig sabihin, nang bumigay ang pancreas ay hindi na kinaya ng puso kaya tumigil ang paghinga at hindi na siya nagising. Sa mga Pilipino, ang nangyari kay Rico Yan ay clear case of bangungot.

Rico’s corpse was fetched from Palawan by elder brother Bobby and airlifted to Manila. Mahigit 10,000 ang nakiramay sa burol ni Rico at hindi mabilang ang nakipaglibing. Ang love team ni Rico ay si Claudine na naging girlfriend niya sa tunay na buhay pero hiwalay na sila nang mamatay siya. Ka-love team din ni Rico si Judy Ann Santos.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/