Dec 03
BATTLEFRONT NG SOCIALITES by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Wed, Dec 3, 2008

For those born earlier, masasabing pinakamalaking scandal sa awayan ng mga socialites ang incident between Dewi Sukarno at sa sarili nating kababayang si Maria Victoria “Minnie” Osmeña. Si Dewi na isang Japanese ay ang pinakahuling naging asawa ni Sukarno, ang Indonesian dictator na pinatalsik ni Gen. Suharto. Si Minnie ay anak ni Sergio Osmeña, Jr. na tinalo ni Ferdinand Marcos sa presidential election noong 1969 at apo rin siya ng dating Philippine president na si Sergio Osmeña.

Ang scandal ay nag-ugat sa pagtatalo nina Minnie at Dewi. Ayon sa balita ng mga nakasaksi ay dati nang may misunderstanding ang dalawa kaya parang anticipated na nilang may mangyayaring hindi maganda. Ang party noong January, 1992 ay idinaos sa isang mansion sa Aspen, Colorado.

“Tensions already existed between the two, beginning with an exchange at another party several months before, where Dewi was heard to laugh when Osmena declared her political plans, among which was the desire to run for the office of Philippine vice president. The Aspen spat, reportedly triggered by an allusion made by Osmena to Dewi’s past, culminated in Dewi hitting Osmena in the face with a wine glass, leaving a gash that needed 37 stitches to repair.”

Dahil sa natamong sugat ay parang nalugi sa labanan si Minnie pero nakulong naman si Dewi sa Aspen city jail for 34 days. Disorderly conduct ang naging kaso ni Dewi. Sa tulong ng plastic surgeon ay hindi naman nag-iwan ng peklat sa magandang mukha ni Minnie ang nasabing sugat.

Parehong mayaman at jetsetter sina Minnie at Dewi. Pareho silang edukado although si Dewi ay hindi masasabing intellectual na kagaya ni Minnie dahil beauty lang talaga ang naging puhunan ni Dewi. Sa pagkamatay ni Sukarno ay nag-concentrate si Dewi sa jewelry at cosmetics business. Si Minnie ay kasal kay Dwight Lyman Stuart, presidente ng Carnation Company.

Sa kanilang katayuan ay hindi iisiping magkakaroon ng violent na awayan sina Dewi Sukarno at Minnie Osmeña. At lalong mahirap isipin na ang violent incident ay nangyari mismo sa isang sosyalan ng mga so-called alta-sociedad (high society).

Ang maihahambing na local version ay ang nangyari noong madaling araw ng Oct. 2, 2005 sa Nuvo Bar sa Greenbelt, Makati City. Involved sa kasong physical injuries si Martin Jickaine, asawa ni Aiko that time, at si PO3 Jun Rivera Alvarez, ang assigned bodyguard ni Aiko. Ang nagsampa ng demanda ay si Happy Ongpauco sa tulong ng kanyang abogadong si Frank Chavez.

Ayon sa report ay napikon si Aiko nang makarinig ng hindi magandang remark habang dumadaan siya sa mesa kung saan nakapuwesto ang magkakabar-kadang si Happy, Alana Montelibano at Ronald Serrano. Binalikan ni Aiko ang mesa at hinarap ang grupo ni Happy. But this time ay kasama na ni Aiko si Martin at si PO3 Alvarez. Hindi detalyado ang kuwento pero malinaw na sinabing sinaktan ni Martin at PO3 Alvarez si Ronald (na napagdiskitahan dahil parehong babae sina Happy at Alana).

Ang Nuvo Bar ay isang classy bar na pinupuntahan ng mga mayayaman. Socialite naman talaga sina Happy at Alana samantalang dating sikat na artista naman si Aiko. Si Happy ay anak ni Rod Ongpauco kay Liberty Ilagan, isang dating sikat na artista noong kapanahunan nina Susan Roces at Amalia Fuentes. Si Rod ang may ari ng Barrio Fiesta pati na ng Bakahan at Manukan. Si Happy ang general manager ng nasabing mga restaurant ng kanyang ama. Si Alana naman ay mula sa mayamang angkan.

“I was standing, engaged in a serious conversation with a friend when I felt someone hit my arm. Pagtingin ko it was Aiko so I just looked at her in shock kasi nagulat ako malakas ang pagtama sa akin that my friend had to help me keep my balance. But I thought Aiko just stepped on something that was on her way that’s why natamaan niya ako. And she didn’t apologize but it was okay. It’s just really not my character to retaliate. So my friends and I just kept our cool and went on with our own business.” Yan ang pahayag ni Happy sa Manila Bulletin.

Sa nasabing pagbalik ni Aiko sa mesa nina Happy ay si Alana ang napag-buntunan ng galit ng QC councilor. Ngunit matapang din si Alana kaya nagkasagutan sila ni Aiko. Sa panig naman ng mga lalake, inakusahan ni Aiko na hinipuan siya ni Ronald. Yun ang naging dahilan para saktan ng mga lalake si Ronald. Hindi naman nakuhang lumaban ni Ronald kina Martin at PO3 Alvarez.

Nitong nakaraang linggo ay meron na namang battle of socialites. Ang insidente ay naganap sa Embassy Bar na located sa loob ng Global City sa Fort Bonifacio. Gaya ng Nuvo Bar, ang Embassy Bar ay isa ring exclusive na “gimikan” ng mga mayayaman – mostly from showbiz at mga socialites. Part owner nito si Tim Yap, isa ring showbiz personality. Kailan lang ay naging venue ang Embassy sa pagbabati ng dating magkagalit na sina Joey De Leon at Willie Revillame.

Nag-krus ang landas ni Patricia Panlilio-Cu-Unjieng at Neny Montinola sa pagdiriwang ng kaarawan ni Ilocos Sur Congressman Ronald Singson. Si Ronald ay anak ni Gov. Chavit at dating na-link kay Angelu De Leon (na nagkataong present din sa nasabing occasion). Pepper Spray ang ginamit na armas at ang itinuturong aggressor sa nagganap na gulo ay si Patricia.

Dumating si Patricia kasama ang kanyang date na si Ricardo Po, Jr (si Patricia ay hiwalay sa asawa niyang si Philip na editor ng ABS-CBN Publishing). Patricia is best remembered as the runner up to Tweety De Leon sa 1987 search for Supermodel of the World Philippines. Siya ay anak ng famed jeweler na si Fe Panlilio.

Si Neny Montinola, isang prominent stockbroker, ay kasama sa table ni Angelu De Leon at Maricar De Mesa. Hindi kataka-takang maging witness ni Neny ang dalawang artista laban kay Patricia. Pero ayon sa iba pang witnesses, sa pagsasalubong nina Neny at Patricia ay nagyakapan ang dalawa bilang batian. Kaya nagulat sila nang maglabas ng small canister si Patricia at parang tinesting na nag-spray sa paligid. May ilang guests na tinamaan ng nasabing pepper spray testing.

But the story is this. After testing ay itinapat ni Patricia ang canister kay Neny at tinira ito sa mukha, direct hit talaga at not once but twice pa.

Ang pepper spray ay isang spray na designed para sa defense ng babae sa isang attacker. Ang tamaan ng pepper spray ay maaaring mahirapang huminga o magsuka at puwede ring magkaroon ng paralysis sa larynx. Delikado rin kung tatamaan sa mata dahil puwedeng makabulag. At lalong delikado kung ang tamaan ay isang asthmatic dahil maaari niya itong ikamatay.

According to Maricar, hindi niya nakita ang pangyayari pero nang lumapit sa kanya si Neny ay parang emergency case dahil hindi ito makakita, nahihirapang huminga at garalgal magsalita. Agad daw binuhusan ni Maricar ng tubig ang mukha ni Neny, just to ease the pain. Pero parang bale wala ang tubig kaya after a few minutes ay nag-decide si Angelu na dalhin na sa ospital si Neny. Sa emergency room ay nagbigay ng confirmation ang attending physician na victim of pepper spray si Neny.

But like the other scandals involving socialites ay hindi na nalaman ng public ang ending. Nag-deny na raw si Patricia that she was involved. Even si Ricardo na boyfriend ni Patricia ay nag-deny rin na may pepper spraying na nangyari. Si Neny naman ay tahimik na rin. Nararamdaman tuloy ng public na kusang mamamatay ang issue na hindi man lang nalaman ang puno’t dulo kung bakit nagkaroon ng pepper spraying sa Embassy Bar noong madaling araw ng November 19.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/