Nov 10
METRO MANILA FILMFEST by Kiko Arroyo  |  Posted in Articles  |  on Wed, Nov 10, 2004

Nagkakandakahog na ang mga film productions sa paghahanda para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival ngayon December. Mula sa 37 submitted entries ay walong pelikula ang napili na magdala ng nalulukot na bandera ng movie industry. Ang mga napiling scripts ay tatanggap ng 100,000 pesos at ang production naman ay bibigyan ng subsidy na isang milyon bawat isa.

Ang MANO PO 3 ng MAQ Productions ang nangunguna sa listahan dahil ito ang topnotcher sa screening ng submitted scripts. Directed by Joel Lamangan from the script of Roy Iglesias, it boasts of top-heavy casting. First appearance for a long time ng tambalang Vilma Santos at Christopher De Leon. Starring din si Boots Anson-Roa, Sheryl Cruz, Jay Manalo, Carlo Aquino, John Pratts, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Dennis Trillo, Karylle, Patrick Garcia, Eddie Garcia. Partly shot in Beijing, China, MANO PO 3 is about the life and times of Chinoys in the Philippines.

PANAGHOY SA SUBA of CM Films is a novelty of sorts with its Visayan dialogue with English sub-titles. Cris Vertido of SGP wrote the script, his first screenplay. Si Cesar Montano ang director at siya rin ang producer. Filmed entirely in Bohol, the cast is led by Cesar himself, Juliana Palermo, Phil Anthony, Jackie Woo, Caridad Sanchez, Joel Torre, Daria Ramirez, Ronnie Lazaro. Ang setting nito ay isang ilog at ang kuwento ay naglalaro sa ilog na yun. Magandang example ang ginawa dito ni Cesar, ang ipagmalaki ang kanyang pinanggalingang probinsya. It’s English title is Cry of the River.

LASTIKMAN stars the hottest and most sensational tandem of Mark Bautista and Sarah Geronimo . Malaking break ito kay Mark para sa title role kaya sana maging effective ang acting niya para matuwa naman ang mga bata. Lastikman was first portrayed by Vic Sotto, making it a tough act to follow. Inaasahang kikita ito dahil bukod sa sikat na si Lastikman ay nasa kasikatan din si Mark at si Sarah. Also in the cast are John Estrada and Danilo Barrios as the father-and-son villains. Directed by Marc Alejandre, LASTIKMAN is produced by Viva Films.

SIGAW, a Megavision film produced by Regal, is a horror movie from the script of Roy Iglesias which was filmed in the old Avenue Theater in Manila. Directed by Yam Laranas, SIGAW banks on the popular Mulawin love team of Richard Gutierrez and Angel Locsin . Also starring are Jomari Yllana, Iza Calzado, James Blanco, Ronnie Lazaro and child actress Janella Denise Guevarra. Isang kuwento ng katatakutan sa multo, ang SIGAW ay magdudulot daw ng malalakas na sigaw sa mga sinehan.

ENTENG KABISOTE ang entry ng M-Zet Films with Vic Sotto and Kristine Hermosa leading the cast. Takeoff ito sa dating “Okay Ka, Fairy Ko” na directed by Tony Y. Reyes . Ovious na comedy ang ENTENG KABISOTE dahil kasama sa cast si Michael V. Also starring are G. Toengi, Oyo Boy Sotto, Aiza Seguerra, Bing Loyzaga, Nadine Samonte, Jeffrey Quizon, January Isaac at Ruby Rodriguez.

Ang iba pang entries sa Metro Manila filmfest ay ang QUE SERA, SERA (retitled Happy Together) ng Regal Entertainment, AISHITE IMASU 1941 ng BAS Films and Regal, starring Judy Ann Santos, Raymart Santiago, Jay Manalo, Iya Villania, Dennis Trillo, Marco Alcaraz, Anita Linda, Jaclyn Jose, Angelu de Leon, TJ Trinidad at Yasmien Kurdi, directed by Joel Lamangan, BULONG (Spirit of the Glass) ng Canary Films, directed by Joey Javier Reyes.

Ang Metro Manila filmfest, na pinamumunuan ni MMDA Chairman Bayani Fernando, ay nag-extend na ng territory para isama ang mga lungsod at bayan ng Cebu, Davao, Cagayan de Oro at Pampanga. Ang traditional float parade sa Kapaskuhan ay may premyong 500,000 pesos sa mananalo at meron ding consolation prize na 150,000 sa lahat ng mga kasali. Sa Aliw Theater, sa CCP Complex, gaganapin ang awarding ng Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Chairman BF, ang kontrobersya tungkol sa reklamo dahil sa pagkakapili ng 4 na entry ni Mother Lily ay moot and academic na dahil wala ng panahon para magpalit ng mga entries. Sinunod lang daw nila ang patakaran. At kung mabago man ang nasabing regulasyon, ito ay iiral sa susunod na taon na lamang. Umaasa si Chairman BF na mauunawaan ng lahat ang pasiya ng MMFF committee.

Hinihingi ni Chairman BF ang suporta ng lahat, mula sa buong industriya ng pelikula hanggang sa entertainment media upang maging matagumpay ang 2004 Metro Manila Film Festival.