Nov 24
WORLD TV DAY by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Mon, Nov 24, 2008

Bukod sa mga traditional at legal holidays gaya ng Christmas Day at New Year’s Day ay meron tayong mga ipinagdidiwang na iba pang “days” gaya ng Mother’s Day at Father’s Day. Sa ibang bansa naman ay may tinatawag na Friendship Day.

Kung bibigyan ng malalim na analysis ay lilitaw na sikat ang mga nasabing “days” of occasion dahil sa commercial value nito. Ang pinakamalaki ang pakinabang sa mga ganitong okasyon ay ang mga commercial establishment dahil ang mga tao ay bibili ng regalo o kakain sa mga restaurant. Kaya nga hindi pansin ng mundo ang “No Smoking Day” dahil wala namang mapapala ang mga negosyante.

Nakakapagtaka na matagal na palang may World TV Day. Since 1996 pa nang mag-declare ang UN General Assembly na gawing World Television Day ang November 21. At kaya nakapagtataka ay may commercial value ang nasabing “day” of occasion pero hindi nga masyadong na-broadcast sa madla. O baka naman kaya wala ring pakinabang ang mga TV networks dahil alam nilang ang panonood ng TV ay habit-forming, ibig sabihin na kung nasanay ka sa isang palabas ay yun na lagi ang panonoorin mo.

Sabi sa balita, “Today television remains a relevant medium despite the advent and proliferation of modern communications and entertainment gadgets.” Oo nga naman, matinding kumpetisyon ang ibinibigay sa TV ng computer at ng internet pati na rin ang IPOD para sa mga mahilig sa music. Meron ngang mga nagsa-sabi na ang so-called “bakya crowd” o masa na lamang ang tumatangkilik ng TV shows dahil mas preferred ng mga “sosyalero” at “sosyalera” ang makipag-sosyalan sa kanilang Facebook o Friendster o di kaya ay makipag-chat kapag nagsawang manood ng video sa Youtube.com. At ang mga walang pakialam sa mundo ay nagkakasya na lang sa paglalaro sa kanilang playstation (dating gameboy o game and watch).

“Its global scope and reach, and its capacity to bring worldwide events right into the living rooms as they take place, makes the television a vital tool for linking nations.” Totoo rin naman na sa TV natin napanood ang mga laban ni Manny Pacquiao. Sa TV rin natin nakita ang mga mukha nina Jun Lozada, Joey De Venecia, ng mga Euro generals, at kung paano biglang tumanda ang hitsura ni Jocjoc Bolante.

On the other hand, ipinagmamalaki ng mga techno freaks na meron na ring tinatawag na video streaming kung saan mo mapapanood ang mga balita o events na nakaka-apekto sa mundo gaya ng tsunami sa Indonesia o ang mga latest na pangyayari sa giyera sa Iraq. Ang internet din ang unang naghatid ng balita sa pagkapanalo ni Barack Obama bilang ika-44 presidente ng Amerika.

At hindi lang ang mismong balita ng pagkapanalo ang naihatid ng internet dahil ang mismong Yahoo.com ay may blow-by-blow account kung saan may every minute update ang mga naka-display na figures ng mga boto ng bawat state ng Amerika.

“It gives the viewers a sense of participation in unfolding human events and provides a link and a social bond between men and nations,” dagdag pa ng UN spokesman patungkol sa World TV Day. Pero ang nasabing statement ay puwedeng sapawan ng internet. Ang social bond ay sa pagitan ng TV viewer at ng TV network dahil kahit kaninong mukha ang nasa TV screen at kahit ano pa ang sinasabi ng taong nasa TV screen, ang “slant” o ang punto ng issue ay nanggaling pa rin sa TV network. Kaya nga naging trademark noon ng ABS-CBN ang pagiging manggagaya o copycat dahil halos lahat palabas ng GMA-7 ay pilit nilang ginagaya, lahat ng gimmick o pakulo ng kalabang istasyon ay pilit na nilalamangan ng ABS-CBN.

And lately ay hindi na manggagaya ang ABS-CBN kundi pirate na dahil hindi na mabilang ang na-pirate nilang talents ng GMA-7. As of late ay si Karylle at Regine Velasquez ang lumipat sa Kapamilya Channel.

As for the sense of participation naman, talo na sa labanan ang TV dahil ang internet ang may tunay na participation. Magandang example ang Philippine Star at sister publication na Pilipino Star sa internet. Kung sa tingin mo ay nambobola si Lolit Solis sa kanyang column ay puwede kang mag-post ng comment, ke pagpuna o papuri man. Tunay na interaction at participation ang naibibigay ng internet dahil interactive ang sistema.

Ang isang statement na dapat sanang nabigyan ng pansin ay ang sinabi ng UN tungkol sa kagandahan at positive na naibibigay ng TV. “Stories of human triumphs, heroism, hardships, and injustice have lingered in the public consciousness and conscience of citizens and governments because of TV.” Hindi sapat ang heroism ni Gagambino at Super Inggo. Kulang ang tagumpay ni Kim Samsoon at Betty La Fea. Bitin ang viewers sa mga luhang umaagos sa Maalala Mo Kaya at sa Wish Ko Lang.

Ang primetime ng local TV ay siksik sa mga fantasy serial na hindi naman masabing pambata dahil napakaselan ng mga plots at hindi rin masabing pang-adult dahil napaka-imposible namang paniwalaan. Kaya magandang balita ang pagpasok ng TV5 (dating ABC-5) dahil sa kanilang kakaibang programming. Sana nga ay maiba naman ang landas ng primetime programming ng ating mga local TV networks dahil kapag nagpatuloy ang mga kalokohang fantasy soaps ay lalong mababawasan ang mga viewers nila.

Sa latest survey ng mga computer users ay mahigit 10% na ang mas gustong mag-internet na lang kaysa manood ng TV during primetime. At dahil sa walang humpay na innovation ng internet ay tinatayang papataas ang statistics.

May mga nagsasabing darating ang panahon na ang TV ay magiging palipasang oras na lang ng mga taong hindi marunong humawak ng computer o hindi kayang kumalikot ng makabagong gadgets. Kahit sa mga katulong o kasam-bahay ay mataas na rin ang bilang ng mga nakikipag-textmate kesa sa mga nahuhumaling sa panonood ng TV.

“Also encouraged is the airing of programs that tend to build morale, respect the sensitivities of viewers, forge greater unity, and promote broader understanding among peoples of the world.”

Siguro ay dapat nang tigilan ng Going Bulilit ang mga gags kung saan ginagawang mga baklang showbiz reporters ang mga batang talents nila.

Maging maingat din dapat ang Bitoy’s Funniest Videos sa mga gags na gagamitin sa kanilang Yari Ka portion at hindi dapat nakakasakit o ginagawang tanga ang mga biktima nila. Sabi nga ng lolo ko, kung patawa ay dapat nakakatawa at hindi nakakasakit at lalong hindi dapat nakaka-insulto.

May kasabihan ang mga Amerikano na don’t be funny at the expense of others.

Sa totoo lang talaga, ang mga TV programs natin ay masyado ang comer-cialism, kaartehan at kabaklaan lalo na kung entertainment ang pag-uusapan. Nasubukan mo na bang manood ng local TV sa maghapon na hindi ka nakakita ng bakla o kabaklaan? May local TV network ka bang makikita na walang commercialism at purely matino ang lahat ng palabas?

“Member countries of the United Nations celebrate today (November 21) World Television Day in recognition of the important role television plays in the dissemination of information and its great democratizing power in the global struggle for peace and development.” Maaaring totoo ito sa ibang bansa ngunit sa atin ay hindi. Bakit ka ba magsasabing hindi ka mandaraya kung wala namang dayaan? Hindi mo na kailangang sabahing hindi ka magnanakaw kung wala naman talagang nanakawan. Bakit kaya ang spiel ng 24 Oras ng GMA-7 ay… walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan. Serbisyong totoo lamang.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/