Nov 17
BATTLEFRONT (part 2) by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Mon, Nov 17, 2008

Lately ay nagiging mainit muli ang entertainment scene sa mga nangyayaring labanan ng mga celebrities. Sabi nga ng ilang entertainment writers na magandang indication daw ang mga ganyang awayan dahil ibig sabihin ay umuunlad na ulit ang entertainment industry. Kesa nga naman sa natutulog na lang tayo pare-pareho.

Jennylyn Mercado versus Mel Pulmano. Malaking issue ang pagbubuntis ni Jennylyn Mercado sa anak nyang si Jazz na isinilang kailan lang. Malaking issue rin ang pagtalilis ni Patrick Garcia sa responsibility ng pagiging ama. Pati si Mark Herras na dating boyfriend at kasamahan ni Jennylyn sa Starstruck ay nadamay na rin. Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ni Patrick ang anak nila ni Jennylyn. At sinabi pa ni Jennylyn na walang invited na Garcia sa binyagang darating.

Ngunit ang mainit na issue ngayon ay ang ang conflict between Jennylyn and Mel Pulmano. Si Mel ay tauhan ng promotions Becky Aguila at handler na naka-assign kay Jennylyn. In other words, si Mel ang confidante at alalay ni Jennylyn sa lahat ng kanyang showbiz affairs. Si Becky naman ay ang controversial na manager ni Jennylyn pati ni Angel Locsin.

Bago matapos ang October ay nagsampa ng kasong qualified theft at falsification of documents si Jennylyn laban kay Mel. Ang dahilan ay ang problemang nag-ugat sa rediscounting ng bank checks. Ang tinatawag na rediscounting ay pangkaraniwang ginagawa sa showbiz na kadalasan ay para maging cash ang mga post-dated checks. At syempre, dahil advanced payment ang rediscounting kaya may bawas (para sa tubo ng nag-rediscount o nag-abono).

Hindi pa ma-determine kung magkano talaga ang missing amount dahil si Mel nga ang may hawak ng records ni Jennylyn at si Mel ay naka-bakasyon na (na terminated na raw sabi ni Becky). Take note na si Mel Pulmano ang humahawak ng mga financial documents. Pero tinitiyak na mahigit isang milyon ang total ng nawawalang pera at may isang transaction na nagkakahalaga ng 400,000 pesos. Lumilitaw sa akusasyon na pineke ang pirma ni Jennylyn para makapagpa-rediscount ng tseke.

Ang depensa naman ni Mel Pulmano ay mismong si Jennylyn daw ang nagpa-rediscount ng ilang tseke at ang iba naman ay galing kay Becky Aguila. Ang lahat ng tsekeng pinagtatalunan ay bank account ni Jennylyn. Dagdag pa ni Mel na lahat ng transaction ay naaayon lamang sa utos ni Becky.

Pati ang nag-rediscount na pinangalanang Tita C ay nakisali na rin. Pero imbes na maging malinaw ay lalong lumabo dahil wala namang maipakitang katibayan si Tita C na si Jennylyn ang nagpa-rediscount kundi ang text message. At ang cellphone na ginamit ay pag-aari ng opisina ni Becky Aguila na naka-assign kay Mel. Allegedly ay nag-text si Jennylyn kay Tita C at nagsabing papupuntahin doon si Mel para magpa-rediscount nga ng check. At para maging convincing daw ay nag-send pa ang texter kay Tita C ng picture ni Baby Jazz. Ang sagot ni Jennylyn dito ay anyone can do it as long as hawak niya ang cellphone (na nasa pangangalaga ni Mel).

Nag-iisa si Mel sa labanang ito samantalang magkakampi naman si Jennylyn at Becky plus tatlong abugado nila. Ang paratang nila na ninakaw ni Mel ang pera ni Jennylyn (sa pamamagitan ng pagpeke ng pirma) ay mahirap patunayan sa kabila ng hawak na ebidensya ng kampo ni Jennylyn. Ngunit tila mahirap ding itanggi ni Mel dahil siya ang direct link sa sinasabing Tita C. Malinaw na maigting ang awayan ng dalawang kampo. At dahil umabot na sa korte kaya hihintayin na lang natin ang opisyal na sentensya ng kasong ito.

Criselda Volks versus Anonymous. Ilang linggo ring umalingawngaw ang pangalan ni Criselda Volks sa loob at labas ng internet dahil sa isang sex video. At dahil kalaswaan ang issue kaya kahit itago ay pilit na kinakalkal ng mga tao.

Ang nasabing sex video ay kuha ng cellphone na binubuo ng four parts kung saan laging close-up ang mukha ng babae kaya mahirap itanggi na si Criselda iyun. Malinaw din ang mukha ng kapartner na lalake. Ang mga video ay tumatalakay sa tinatawag na “anal sex” at iba-iba pang klase ng pakikipag-sex ng babae sa lalake.

Sa pagtalakay ng sex video sa radio program ni Ogie Diaz, inakala pang isang foreigner ang katalik ni Criselda Volks. Based on Ogie’s analysis of the video, ang lalake ay customer at dahil mahal ang bayad kay Criselda kaya sinagad na lahat pati ang pagkuha ng video.

Matapos ang All Saints’ Day ay lumitaw si Criselda sa isang talk show upang bigyang linaw ang tungkol sa sex video. Inamin ni Criselda na siya nga ang nasa sex video at ang lalake ay kanyang dating boyfriend at hindi isang foreigner customer. Idiniin din ni Criselda na hindi siya naging prostitute at normal naman daw na magkaroon sila ng sex video dahil five years na silang magka-relasyon ng kanyang boyfriend.

Ang ikinalulungkot lang daw ni Criselda ay ang paglabas ng video sa publiko. Pero hindi naman masabi ni Criselda kung paano nakarating sa internet ang video.

Inamin din ni Criselda na dumaan siya sa rehabilitation para gamutin ang kanyang mga bisyo. Dati siyang lulong sa pagsusugal at sa pag-inom ng iba’t-ibang sedatives.

Ilang tv stations pa ang pinuntahan ni Criselda para sa kanyang mga pronouncements. Pero hindi naman niya talaga masabi kung sino ang suspect niya na nagpakalat ng kanyang sex video sa internet.

Bubbles Paraiso versus Jewel Mische. Nangyari ang insidente sa inauguration ng bagong GMA studio noong October 17. Ayon sa mga naunang balita ay siniko intentionally ni Bubbles Paraiso si Jewel Mische. At hindi pa nagkasya si Bubbles dahil tinapakan pa niya ang gown ni Jewel. Pati raw ang bag ni Jewel ay itinago ni Bubbles at ng mga kasama nito.

After one week ay humarap si Bubbles sa media upang linawin ang mga pangyayari. Sa ipinatawag niyang presscon ay puro denial si Bubbles sa mga balita. Hindi raw niya siniko si Jewel. Hindi rin daw niya tinapakan ang gown ni Jewel at lalong hindi niya itinago ang bag ni Jewel. At kung sakali man daw na nasiko nga niya si Jewel ay sorry pero hindi iyun intentional.

And to defend herself ay nagsalita rin si Jewel. Napakadumi nga raw ng kanyang gown dahil sa tapak ni Bubbles during her walk on the ramp to the stage. Muntik nga raw siyang mahulog. At hindi lang once siyang siniko ni Bubbles kundi ilang beses tinamaan ang kanyang ulo. Yung bag niya ay mischievously na itinago at inasar pa siya ng grupo ni Bubbles.

Si Jewel ay member ng Starstruck at naging kapareha ni Richard Gutierrez sa Kamandag ng GMA-7. Si Bubbles ay isang fashion model at kasama sa cast ng Asero.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/