Dec 15
MMFF ENTRIES – LASTIKMAN SIGAW by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Dec 15, 2004

By Richzeal Loreche

LASTIKMAN
Topbilled by young pop idols Mark Bautista and Sarah Geronimo, LASTIKMAN dares to outshine the older version played by Vic Sotto. Lastikman was first played on the screen by Von Serna.

Mark gets his powers from a rubber tree and becomes a super hero. Gaya ng ibang superhero, inilihim ni Mark ang kanyang identity.

Ayon sa director, nakakamangha ang mga 3-dimensional effects lalo na yung pagtawid ni Lastikman sa mga buildings. Dapat ding abangan ang salpukan ng 2 lastikong tao – Lastikman vs. Lastika.

Cherie Gil plays Lastika, the arch-enemy of Lastikman. Iisa ang pinanggalingan ng kapangyarihan ni Lastikman at Lastika ngunit magkabaligtad sila ng layunin. Napagkamalan ng taong-bayan na aswang si Lastika at pinatay ang kanyang pamilya. Bilang paghihiganti, si Lastikman ang napagdiskitahan ni Lastika.

Another kontrabida is John Estrada as Alfonso, the Taong-Aso. Malaking problema rin ang ibibigay ni Alfonso kay Lastikman. Si Danilo Barrios ang Reden, anak ni John na isa ring werewolf. Ang Taong-aso ay pumapatay ng mga bata at mga babae na ipinakakain sa anak niyang si Reden. Ngunit may drama si Danilo dahil napipilitan lamang sa pagiging masama.

Also in the cast are Mikel Campos, Tuesday Vargas and Bearwin Meily.

Directed by Mac Alejandre, Lastikman is a fantasy with action and romance-fantasy movie produced by Viva Films.

SIGAW
Shot mostly in the old Avenue theater, SIGAW dares to scare the unscarable viewers. It took Roy Iglesias 8 months to finish the screenplay. Very meticulous ang pagkakasulat ng bawat makapigil-hiningang eksena. Hindi tulad ng ibang MMFF entries, ang Sigaw ay walang special effects dahil ang panlaban nito ay ang ganda ng istorya.

SIGAW stars Richard Gutierrez and Angel Locsin who will dare to surpass their popularity in the successful Mulawin TV fantaseries. Inaasahang hahakot ng manonood ang tandem nilang dalawa.

Also in the cast are Jomari Yllana, Iza Calzado (who plays Jomari’s battered wife), Startstruck Kid Ella Guevarra as their daughter, Ronnie Lazaro and James Blanco.

The scare begins when Richard buys a unit in an old building with the couple Jomari and Iza as neighbors. Laging nag-aaway ang mag-asawang si Jomari at Iza dahil sa pagseselos ni Jomari. Inaakala ni Jomari na may secret relation si Iza at si James. Pivotal ang role ni Ella bilang anak ni Jomari at Iza. Hihingi ng tulong si Iza kay Richard na ipagseselos naman ni Angel.

Ang lumang theater ay binihisan at iniakma sa script. Malaki ang nagastos sa makeup ng setting upang maging haunted house ang hitsura. Maaksyon ang pagkakagawa dahil minimal ang mga dialogue para panatilihin ang suspense.

SIGAW is directed by Yam Laranas from the script of Roy Iglesias and produced by Megavision.