Sep 19
ASK KO LANG PO by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Sep 19, 2008

(Part 3)

Gabby Concepcion versus Rose Flaminiano. Unexpected ang twist na ito sa story ni Gabby dahil si Mommy Rose ang instrumental para muling makabalik si Gabby, hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa limelight. Sa mga recent interviews ay ipinagdiinan ni Gabby na tinatanaw pa rin niyang malaking utang na loob ang pag-handle sa kanya ni Mommy Rose. However, may katagalan na ring hindi nag-uusap sina Gabby at ang manager niya dahil sa transparency raw. In other words, because of money matters.

May raket daw si Gabby one time at dahil wala ang manager niyang si Mommy Rose kaya yung producer ang hiningian niya ng kopya ng contract. It turned out na 150,000 ang nakasulat sa said contract na contrary sa hawak na contract ni Mommy Rose na 125,000 lang ang intended talent fee ni Gabby. Another thing na ikinagulat din ni Gabby ay the fact that si Mommy Rose pala ay co-producer ng show na yun sa Tagaytay.

With that discovery ay biglang nag-about face si Gabby towards his benefactor. Para daw kasing nawalan ng transparency ang kanyang manager. Sa mga pronouncements ni Gabby, one will get the idea na parang ginagamit lang si Gabby ng kanyang manager.

Ang malaking problema ni Gabby ay 5 years ang management contract sa kanya ni Rose Flaminiano.

Like in any issue, may pros and cons dito. But one thing is sure – papalubog na nga po si Gabby and this controversy will surely help his career.

Ask ko lang po kung totoong babalik si Gabby Concepcion sa kanyang dating manager na si Lolit Solis. Malalaman natin in a few weeks kung TAKE IT, TAKE IT si Gabby o going, going na lang.

* * *

TV5 is number 3 in the ratings. Sa neck to neck race ng GMA-7 at ABS-CBN for the top spot ng tv networks, nakakagulat na number 3 na agad ang TV5 in just one month of their new programming format. Siguro ay may sense nga ang approach nila na ang target audience ay mga kabataan.

We sampled some of their shows at mukhang maganda naman. Very minimal ang changes sa Shall We Dance ni Lucy Torres dahil dati na itong high rating. In their own version of soap for the younger generation, okay sana ang Rakista ni Carlo Aquino kaya lang ay very amateurish ang cameraman dahil either hindi marunong mag-focus or pasmado ang kamay.

At any rate, ang local production ng TV5 ay malaking tulong para dagdagan ang buhay ng entertainment industry natin. And in a few months ay magkakaroon na ng new competition ang 2 malaking networks. At this early, we are praying na huwag naman sanang magdamot ang GMA-7 at ABS-CBN sa kanilang mga talents.

Ask ko lang po kung bakit masyado raw mababa ang talent fee ng mga artista sa TV5 compared sa big networks. Siguro ang mga artista ang sasagot dito – pag nagtagal sila ng 3 months sa TV5 eh di hindi totoo ang chika.

* * *

Hard sell ang new shows ng ABS-CBN. Matapos ang matinding launching ng Dyosa ay nagkaalaman na rin tayo sa ratings. Disappointed ang mga producers ng Dyosa dahil sadsad ang ratings sa second week, apparently ay curious lang ang mga viewers kaya medyo mataas ang first week.

At eto naman ang I Love Betty La Fea ni Bea Alonzo. Certified hit ang love team ni Bea at John Lloyd Cruz kaya disappointing din na hindi gaanong kataasan ang rating ng Betty. And to think na global blockbuster ang original Betty na may franchise all over the world, dapat nga lang na ma-disappoint sila.

And now we heard na to the max na ang selling ng Kahit Isang Saglit ni Jericho Rosales at Carmen Soo. Bukod sa continual tv plugging ay meron pang print advertisement ang Kahit Isang Saglit. Siguro kabado sila na hindi pansinin ng tao si Carmen Soo dahil in spite of being an international star ay very ordinary naman ang mukha. And not to forget the bad vibes ng public kay Echo dahil sa kanyang breakup kay Heart Evangelista. Syempre, underdog ang babae kaya masama ang tingin ng tao sa lalake.

Ask ko lang po kung talagang binabraso ng manager ni Echo ang ABS-CBN para bigyan ng bonggang comeback show si Echo. Baka naman talaga lang gusto ng Kapamilya network na gawing big deal ang show ni Echo dahil nag-ober da bakod si Heart.

* * *

Another clash of the titans in the offing. GMA-7’s Gobingo with Arnel Ignacio is to face National Bingo of ABS-CBN. Right now ay katapat ng Gobingo ang Deal Or No Deal ni Kris Aquino, right before the primetime news.

It appears na mukhang nasasapawan na nga ni Arnel ang dating best selling gameshow ng ABS-CBN kaya umandar na ang think tank nila. We still don’t know kung franchise ang National Bingo like Gobingo. But we are sure na matutuwa ang mga tao dahil they will have a chance to win kahit homeviewers lang sila.
Ask ko lang po kung sino ang host ng National Bingo. Abangan…

* * *

More than a month na sa sinehan ang A Very Special Love ni Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Phenomenal ang movie na ito dahil at the present situation ay napakahirap ngang maka-break even pero ang A Very Special Love ay parang ayaw nang tigilan ng mga tao.

Puwedeng ihambing si Sarah sa success ni Nora Aunor na that time ay walang nag-isip na magiging superstar pala. With Sarah, she was just another face on the stage, just another singer and nothing more. But with the success ng movie niya, palagay ng lahat na siya na ang prinsesita ng box office.

Ask ko lang po kung ano ang feelings ng mga nasapawan ni Sarah sa usapang box office. Para kasing nabalian ng pakpak yung ilang akala mo reyna ng box office kung umasta.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can also be posted at www.filmacademyphil.org/forum/